Hinding-hindi raw malilimutan ni Phil Younghusband ang kanyang naranasan noong kasagsagan ng bagyong Maring noong isang linggo. Malaki ang pasasalamat ng football superstar dahil nakasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay noong mga sandaling iyon.
“During this typhoon, I was with my family and with Angel (Locsin). Luckily I was able to get out of the village and be able to travel a little. I got to see family and friends,†bungad ni Phil.
Napahanga ang binata sa kanyang kasintahang aktres dahil puspusan ang ginagawang pagtulong ng aktres sa mga nangangailangan tuwing mayroong kalamidad.
“She’s on a different level. She’s so hardworking. I think all she’s been doing these past few days is donating. She’s packing stuff, distributing, coordinating, she’s doing everything. She’s really an inspiration to everyone. She’s a leader and just by leading by examÂple, people follow what she does and she’s positive influence on everyone.
“She’s like that with me. When I’m with her I want to help more and be able to give back more. She really is someone that affects people in a positive way. I’m lucky to have that person in my life,†paliwanag ni Phil.
Samantala, may sariling paraan din ang binata para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo dahil sa isang charity football match kung saan kalahok pati ang kapatid niyang si James Younghusband. Ido-donate ang 50% ng ticket sales ng nasabing event para sa mga biktima ng nakaraang bagyo.
Kathryn nag-mature na sa lambingan
Magsisimula na mamayang gabi ang pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang Got to Believe na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ayon kay Kathryn, medyo natagalang maipalabas ang kanilang bagong proyekto ni Daniel dahil sa ilang mga bagay.
“Wala naman talagang sinabi sa aming reason muna pero, for me, I think binigyan lang kami ng longer time para mapaganda ’yung project and para makabangko kami ng episodes kasi medyo hindi pa marami ’yung na-taping namin. Actually, hindi ko alam kung bakit biglang sabi nila mas gusto yata nila bigyan kami ng longer time mag-taping para hindi kami mag-hand-to-mouth. MaÂnagement decision naman ’yun, so, i-respect mo naman ’yun,†nakangiting paliwanag ni Kathryn.
Medyo may pagka-mature na ngayon ang role ng dalaga kumpara sa mga nagawa noon.
“Dito kasi hindi naman super mature pero one step na mature. Kung paano siya sa family niya, kung paano siya as a person, kung ano ’yung sacrifices niya para sa family niya, parang more on romance itong Got to Believe,†paglalarawan ni Kathryn.
Ayon pa sa dalaga, parang pelikula na ang kanilang ginagawang serye ngayon dahil si Cathy Garcia-Molina ang direktor.
Reports from JAMES C. CANTOS