May Instagram contest si Marian Rivera bilang pasasalamat dahil umabot kahapon sa 300,000 ang bilang ng kanyang followers.
“Best Smile†ang pangalan ng conÂtest ni Marian para sa kanyang Instagram followers. Heto ang kanyang message at ang mechanics ng kanyang sosyal na Best Smile contest.
“Wow 300K! Thank you for showing me some love! Because of this, I want to personally meet you - the one with the best smile. I wish you could share your sweetest and most sincere smile, and let me know what it means to you by tagging me.
“Remember: One entry per account please. From now until end of September, my management team and I will choose one who will get the chance to meet and hang out with me, no matter what part of the globe you are from... all expenses paid! Don’t forget to put your location, hashtag #YANangSmile, and tag me@therealmarian.â€
O ’di ba, ang sosyal ng contest ni Marian dahil all expenses paid ito? Kung galing ka sa ibang lupalop ng mundo, sasagutin ni MaÂrian ang pamasahe at hotel accommodation ng winner na mapipili. ‘Yon eh kung nakatira sa ibang bansa ang lucky winner.
I’m sure, madadagdagan pa ang followers ni Marian dahil marami ang gusÂtong sumali sa contest para matupad ang pangarap nila na ma-meet siya ng personal at maka-date.
Hindi ako magtataka kung biglang lumobo sa kalahating milyon o isang milyon ang bilang ng followers ni Marian sa Instagram dahil sa kanyang bonggang Best Smile contest na walang kinalaman sa morning show ng GMA 7, ang With a Smile.
Janno sumumpang nagbago na
Bading ang role ni Janno Gibbs sa Pyra, Babaeng Apoy. Sir Aidan ang kanyang name at siya ang magiging mentor ni Pyra na gagampanan ni Thea Tolentino.
Be punctual and professional ang payo ni Janno kay Thea at sa kapareha nito na si Jeric Gonzales. Nagtawanan ang mga reporter nang marinig nila ang advice ni Janno na bantog sa pagiging late comer sa kanyang mga appointment.
Sumumpa si Janno na nagbago na siya. Hindi pa niya nararanasan ang ma-late sa taping ng Pyra dahil nakaka-one day taping pa lamang siya.
Challenging ang gay role ni Janno na sanay nang gumanap na baklita sa mga pelikula na ginawa niya noon. Ipinaalaala kahapon ni Janno sa viewers ng Sunday All Stars na ngayon na ang pilot telecast ng Pyra at hiniling niya sa lahat na suportahan si Thea.
Direktor ni Mother Lily ikakasal sa gay TV5 exec sa New York
Let’s Take a Chance ang pamagat ng pelikula na gagawin nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa movie outfit ni Mother Lily Monteverde.
Si Jun Lana ang director ng Let’s Take a Chance. Ikakasal si Jun sa kanyang partner na si Perci Intalan sa New York, USA sa Oct. 14. Hindi ako sure kung uumpisahan ang shooting ng pelikula bago o pagkatapos ng pag-iisang dibdib nina Jun at Perci dahil busy pa sina Carla at Tom sa taping ng My Husband’s Lover.
Malapit nang maging ninang ni Jun si Mother Lily dahil kabilang ito sa mga ninang sa same-sex marriage nila ni Perci.
Parents ng bida sa TV series lumobo ang ulo!
Malapit nang matapos ang isang drama series. Hindi na nagkaroon ng extension ang show kahit mataas ang ratings nito. May kinalaman kaya ang balita na lumaki na ang ulo ng madir at fadir ng bida, as in marami na silang demands at para hindi maimbiyerna ang network management, tatapusin na nila ang show?
Kung totoo ang mga tsismis, kawawa ang artista dahil naÂdamay siya sa kanegahan ng kanyang mga magulang na nauna pa na lumobo ang ulo.