Nagpatayo ng canteen at playground sa isang school sa Davao mga anak ng taga-AFP tinutulungang mag-aral ni Gerald

Gerald babawi, Maja sabit sa ‘ Pamamahinga’ ng aktor

MANILA, Philippines - Finally, tuloy na ang pagbabalik-primetime ni Gerald Anderson sa Bukas na Lang Kita Mamahalin. Matagal-tagal din kasi bago nasundan ang teleserye niyang Budoy pero nagawa naman niya ang pelikulang On the Job (OTJ) na ipapalabas na sa Aug. 28 sa mga sinehan.

Kaya ngayon, halos magkasunod na mapapanood sa TV at pelikula si Ge­rald. Parehong mapangahas ang role ng aktor sa kanyang soap at pelikula. Pinagsama ang action at drama sa Bukas na Lang Kita Mamahalin at OTJ. Isang ex-convict at assassin ang role ni Gerald sa OTJ samantalang isang crime accused naman siya sa eereng teleserye ng Kapamilya Network na mag-uumpisa na sa September.

So, babawi ang boyfriend ni Maja Salvador na ang actress ang sinisisi ng iba kung bakit daw ‘namahinga’ si Gerald.

“Sobra akong proud sa OTJ kasi I was able to represent our country in Cannes International Film Festival. Witness kami ng cast how they appreciated our movie,” sabi ni Gerald. “I’m also thankful with my new soap, Bukas na Lang Kita Mamahalin, at pinaghihirapan naming lahat ang bawat eksena at sigurado po akong magugustuhan din nila ito tulad ng mga previous soap ko,” sabi ng actor.

Abala rin si Gerald sa kanyang mga kawanggawa. Nitong Agosto 16, lumipad siya sa Davao Oriental para sa pagpapagawa ng Binondo Elementary School na naging biktima ng bagyong Pablo. Personal na nagpunta si Gerald para sa opisyal na ribbon-cutting at ground-breaking ceremonies sa pagpapagawa ng canteen at playground ng nasabing public school. Naging masaya naman ang mga titser at mga estudyante sa malaking tulong ng aktor sa kanila. Unang nagpunta si Gerald sa Davao Oriental noong Hunyo para personal na magbigay tulong at tinupad niya ang kanyang pangako sa muling pagbisita.

Tuloy din ang kanyang suporta sa Cancer Warriors Foundation and Cottolengo Filipino. Pangungunahan niya ang isang benefit basketball game na Hero Ball na gaganapin sa Setyembre 1, alas-singko ng hapon, sa Makati Coliseum. Tatlong taon na siyang aktibo sa mga ganitong klaseng proyekto pero ito ang unang pagkakataon na lahat ng kikitain ng Hero Ball ay mapupunta sa Heroes Foundation para matulungan ang mga anak ng nasa AFP (Armed Forces of the Philippines) na makapag-aral. Buo naman ang suporta ng mga kaibigang sina Rayver Cruz, Matt Evans, Ejay Falcon, Arron Villaflor, John Prats, Xian Lim, at marami pang iba. Para sa detalye, puwedeng tumawag sa 0915-1387551, 0915-1387550, o bisitahin ang kanilang www.herofoundation.com.ph.

72 Kalokalikes magpapaistaran

Umabot pala sa 72 ang Kalokalikes ng local at international stars ang magpapasiklaban sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime simula ngayong Lunes (Agosto 26).

Inaasahang mas bongga, mas kalog, at mas kopyang-kopya ng Kalokalikes ang kanilang kamukhang celebrities sa Kalokalike Level Up Face 2, ang semi-finals round na aarangkada sa loob ng apat na linggo mula Agosto 26 hanggang Setyembre 20.

Isang grupo ng Kalokalikes ang magpapatalbugan bawat araw at ang magwawagi ang pasok sa grand finals na gaganapin sa Setyembre 28 sa pagkakataong masungkit ang titulong Ultimate Kalokalike at premyong P300,000.

Magkakamit naman ang first runner-up at second runner-up ng P200,000 at P100,000, habang mag-uuwi rin ng cash prizes ang dalawa pang karagdagang runners-up. May special prizes ring naghihintay para sa iba pang Kalokalikes na tatatak sa madlang people.

Sa true lang, pumatok sa parehong viewers at netizens ang look-alike contest kung kaya’t inilunsad agad ang Kalokalike Face 2 pagkatapos ng unang season nito, kung saan nagwagi ang Ultimate Kalokalike ni Christopher de Leon na si Jonathan Garcia noong Mayo.

May ka-look alike sa bagong batch sina Presidente Noynoy Aquino, Noli de Castro, at Tito Alfie Lorenzo, at maging si apl.d.ap.

Susan Enriquez ka-join na uli sa unang hirit

Balik-Unang Hirit ang paboritong kumare sa telebisyon na si Susan Enriquez sa longest-running morning show na Unang Hirit (UH). Magbabalik bilang isang regular host ang batikang mamamahayag ngayong Lunes, Agosto 26.

Kilala si Susan sa kanyang diretsong pagbabalita at simpleng katangian. Kinikilalang  Boses ng Masa, siya ang inaasahan ng mga ordinaryong Pilipino at mga ina ng tahanan pagdating sa mga hinaing ng mga mamimili, mga problema sa bahay, at mga isyu sa barangay.

Excited daw si Susan na makasama muli ang kanyang mga kumpare at kumare sa UH. Kabilang dito ang mga co-host niya na sina Arnold Clavio, Rhea Santos-Guzman, Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching-Pascual,Connie Sison, Pia Arcanghel,Ivan Mayrina, Drew Arellano, Love Añover, Lhar Santiago, Monica Verallo, Tonipet Gaba, at Luane Dy.

Kasalukuyang napapanood si Susan  bilang senior reporter ng GMA News at co-host ng IJuander, ang multi-awarded Filipino cultural program sa GMA News TV Channel 11. Maririnig din siya na nagbabalita sa DZBB.


 

 

Show comments