Nag-react ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa sinasabing naghihirap na sila dahilan lamang sa ipinagbibili nila ang kanilang bahay sa Los Angeles, California, USA. Ipinaliwanag ng Pambansang Kamao na lubhang naiingayan ang mga kapitbahay nila sa nasabing lugar dahil kapag dumaÂrating sila ay marami sila at hindi nila mapigilan ang mag-ingay na dahilan kung bakit nagreklamo sila.
Kaya nagpasya na lamang ang kampeong boksingero na ipagbili na lamang ito at hahanap sila ng bagong matitirhan sa isang mas pribadong lugar tulad ng Beverly hills na kung saan ay hindi gaanong magkakalapit ang mga bahay at may kanya-kanyang bakod ang mga naninirahan.
Idinagdag din ni Jinkee na kumikita ang mga neÂgosyo nila at maging ang mga paupahan nila kung kaya hindi sila maaring mamulubi na tulad ng gusÂtong palabasin ng marami. Hindi sila maaring mawalan ng matitirhan sa Amerika lalo’t madalas ay sa Las Vegas ang venue ng mga laban ni Manny kaya hahanap at hahanap sila ng makakapalit ng bahay na ipinagbibili nila kapag na-dispose na nila ito. Sinabi naman ng boksingero na ang mga ganitong pang-iintriga sa kanya at sa pamilya niya ay hindi makakaapekto ni munti man sa nakatakda niyang laban.
Pagiging mahirap dapat pang matutunan: KC ala-Cherrie Gil ang pagiging sosyal na kontrabida
Hindi naman binigo ng Dreamscape at ng mga artista nitong sina Judy Ann Santos and company ang mga suki nilang manonood ng Huwag Ka Lang Mawawala. Isang bonggang pagtatapos ang inihatid nila sa maraming nag-abang ng finale night ng serye. Feel good ang ending, lahat ng dapat lumigaya tulad nina Anessa (Juday) at Alexis (KC Concepcion) ay naging masaya. Nagbayad naman sa kanilang kasalanan sina Romulos (Tirso Cruz III), Elena (Coney Reyes), at Eros (Sam Milby)..
Minabuti man ni Juday na tapusin ng mas maaga sa schedule nito ang drama series, hindi ito naging dahilan para masira ang takbo ng serye kahit nasasayangan ako sa naging pagkamatay ng character ni Gretchen Barretto. Kung may nabiyayaan man ang programa, ito ay sina KC at Sam na talagang namang nagawang maihiwalay ang kanilang acting sa kanilang mga co-actor. Hanggang sa huli, namintina nila ang husay na nakita sa kanila sa simula pa lamang ng serye.
Si Joseph Marco rin. Nagmarka siya sa maÂnonood. Sigurado ako na aabangan ng mga maÂnoÂnood ang susunod niyang palabas.
Given na ’yung acting ni Juday. Mas magugulat pa nga ang manonood kung kulang ang ipinamalas niyang pag-arte.
Samantala, mamayang 10:15 ay ipalalabas ang marathon special ng Huwag Ka Lang MaÂwawala: The Finale. Palabas ito bago mag-ASAP.
Balik kay KC, mukhang nakalimutang isama ng isang dean of entertainment writers sa kanyang listahan ng mga promising contravidas ang pangalan ni KC na talagang namang nagpakitang gilas sa kanyang role bilang kontrabida ni Juday. Walang nakapanood ng serye na nagwakas nung Biyernes ang magsasabing hindi napakagaling ng anak ni Mega.
Ewan ko lang kung magiging kasing-husay siya nina Kaye Abad at Mara Lopez kung mahirap ang kanyang role pero bilang isang sosing kontrabida, she is second to none. May dapat siyang matutunan kay Cherrie Gil na mahirap man o mayaman ang role ay nakakayang maitawid ang kanyang pagiging salbahe.