MANILA, Philippines - Sa pambihirang pagkakataon, sasariwain ng magkakapatid na Aquino – Pangulong Noynoy Aquino, Ballsy, Pinky, Viel, at Kris — ang mga hindi malilimutang alaala ng kanilang ama na si daÂting Senador Benigno “Ninoy†Aquino, Jr., at ang naging papel niya sa mga kaganapang humubog sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ikukuwento ni Pinky ang mga pinagdaanan ng pamilya nang makulong si Ninoy noong panahon ng Martial Law. Sasariwain naman ni Ballsy ang mga inilahad ng kanyang ama tungkol sa mga paghihirap ng huli. Si Viel naman ang magbabahagi ng mga panahon nang ma-exile sila sa Amerika kung saan hinahatid sila ni Ninoy sa basketball game. Ilalahad naman ni Kris ang quality time na pinagsamahan nila ng kanyang ama sa Boston sa USA at kung paanong sinabi sa kanya ni Ninoy na siya ay sisikat pagdating ng araw.
Samantalang ang Pangulong Noynoy, ang nag-iisang anak na lalaki at kapangalan ni Ninoy, aaminin na minsan siyang nag-isip maghiganti sa mga taong responsable sa pagdurusa ng kanyang pamilya.
Bagama’t alam nilang malaki ang bahagi ng bansa sa puso ni Ninoy, sinabi ng magkakapatid na Aquino na ginawa naman ng dating senador ang lahat para maging isang mabuting ama sa kanila.
Ilan lamang ito sa mga matutunghayan sa espesÂyal na panayam sa magkakapatid na Aquino.
Makakasama rin sa espesyal na dokumentarÂyong ito ng GMA News TV ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes na siyang magsasalaysay ng mga tula, sanaysay at sulat ni Ninoy.
Mapapanood ang Ako si Ninoy ngayong Sabado, Agosto 24, 9:45 p.m. sa nangungunang news channel sa bansa, GMA News TV.