SEEN : Walang benefactor si Aljur Abrenica. Naka-loan sa bangko ang kanyang sports car na mahigit sa tatlong milyong piso ang halaga.
SCENE : Ipinagdiwang ni Angelu De Leon ang kanyang 34th birthday noong Huwebes sa presscon ng Pyra, Babaeng Apoy ng GMA 7.
Namigay si Angelu ng mga tapa meat bilang pasasalamat sa entertainment writers.
SEEN : Marami ang natuwa dahil ayaw ng mga kapatid na babae ni Kris Aquino na pasukin nito ang mundo ng pulitika. Marami sa mga Pilipino ang ayaw na maging pulitiko si Kris.
SCENE : Si Ben Affleck ang gaganap na Batman sa sequel ng Superman movie, ang Man of Steel.
SEEN : Dinagsa ng mga mamimili ang garage sale kahapon nina Anne Curtis at Vice Ganda sa Pinoy Big Brother Hall, sa tapat ng ABS-CBN.
SCENE : Ang mga biktima ng Typhoon Maring ang beneficiary ng No Other Concert World Tour ni Anne Curtis na magsisimula sa August 31.
SEEN : Nagwakas kahapon ang Kakambal Ni Eliana ng GMA 7. Nagwakas na rin ang over the top acting ni Chynna Ortaleza.
SCENE : Kaliga ni Chynna Ortaleza si Aron Villaflor na over the top din ang acting sa Juan Dela Cruz ng ABS-CBN.