MANILA, Philippines - Idinenay ng kampo ni Manny Pacquiao sa isang online report kahapon ang balitang pordoy na ang boksingero.
“Siguro ibinase nila yun sa ibinibentang bahay ni Boss sa LA. Kalokohan ‘yan. Walang basehan yan. Ibinibenta yun kasi wala namang nakatira. Sayang lang. Ang mahal-mahal pa ng tax,†sabi ng chief of staff ni Pacman na si Roger Fernandez sa online report.
Maraming haka-hakang lumabas nang mabalitaan ng marami na for sale ang bahay ni Pacman sa LA.
Oo nga naman. Masyado lang sigurong judgemental ang maraming tao kaya sinasabi agad na naghihirap na si Pacman lalo na nga’t humina rin ang benta sa kanyang mga Team Pacquiao Store na makikita sa malls. Ang sabi hindi na rin daw ito masyadong kumikita dahil nabawasan na ang bumibili ng mga items.
Dahil pumayat na, Eugene nag-iba na ng double
Uy marami pala ang hindi pabor sa pagpayat ni Eugene Domingo. Ang feeling nila naÂbaÂÂwasan ang pagiging komedyana niya.
Sa comedy nakilala at sumikat si Eugene kaya naninibago ang fans na pilit siyang nagpapapayat at ‘nagpapaganda.’
Sa Kimmy Dora nga raw, iba na ang magdo-double kay Eugene dahil sa pagpayat nito. Hindi na raw nag-match si Eugene sa dati niyang double sa dalawang naunang Kimmy Dora.
Anyway, magkakaroon ng commercial exhibitation ang isa sa kinaaliwang pelikula sa 2013 Cinemalaya na pinagbibidahan ni Eugene, ang Instant Mommy na co-producer si Kris Aquino ni Atty. Joji Alonzo.
Kasama ni Eugene ang Japanese/Hollywood actor na si Yuki Matsuzaki na dumating pa sa bansa para sa promo ng pelikula na due sa August 28. Ipalalabas ito sa 50 theaters.
Nagpakita ng boob sa movie si Eugene na first time niyang ginawa sa pelikula.
Sa mga nakapanood na ng pelikula sa Cinemalaya, pawang magaganda ang feedback sa pelikula na dinirek ni Leo Abaya.
MVP nanguna sa tulong kapatid, Ritz kasamang namigay
Personal na nangasiwa ang TV5 Chairman na si Mr. Manny V. Pangilinan sa relief operations ng Tulong Kapatid, ang disaster response partnership platform ng MVP Group of Companies, na ginanap kamakailan sa Brgy. Poblacion, Mandaluyong City, at sa Brgy. Ususan, Taguig City.
Mahigit 500 na relief bags na naglalaman ng bigas, canned goods, toiletries, maging cooked food at tubig ang ipinamahagi ni MVP sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Maring at Habagat. Kasama rin ni MVP na nagbigay ng tulong ang TV5 President & CEO na si Mr. Noel Lorenzana (in black polo shirt) at Kapatid stars na sina (L-R): Gerard Sison, Misibis Bay lead star Ritz Azul, at Daniel Matsunaga (2nd to the right).
Sa ikalawang araw ng relief operations, muling naghatid ng tulong si MVP kasama ang Gilas Pilipinas head coach na si Chot Reyes at ang San Beda Red Lions upang mamahagi ng mga relief goods sa 510 pamilya sa Baseco sa Maynila.
Kasama ring namahagi ng relief goods ang Tulong Kapatid members TV5 Alagang Kapatid Foundation, PLDT-Smart Foundation, ONE MERALCO Foundation at Maynilad.
Patuloy ang panghihikayat ng Tulong Kapatid sa mga volunteers na makibahagi sa grupo at tumulong sa mga susunod nilang relief operations sa Pampanga, Bulacan at Bataan.
Ang MVP Tulong Kapatid Center sa MERALCO compound sa Ortigas AveÂnue ay patuloy pa ring nagsisilbi bilang collection point ng mga relief goods. Ang sino mang gustong mag-donate ng in-kind goods ay maaaring magpunta sa Alagang Kapatid Foundation warehouse na matatagpuan sa 730 Quirino Highway, San Bartolome, Novaliches, Quezon City. Ang cash/cheque donations naman ay maaaring i-deposit sa mga sumusunod na account:
Banco De Oro – BDO Makati Ave- Ayala Branch
Account Name: Alagang Kapatid Foundation, Inc. - (PESO) PHP Account No.: 00- 5310-41016-4
(DOLLAR) USD Account No.: 10-5310-46264-4
BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS – AYALA AVENUE SGV BRANCH
Account Name: Alagang Kapatid Foundation, Inc. - (PESO) PHP ACCOUNT NO: 1443-0533-32
(DOLLAR) USD ACCOUNT NO: 1444-0214-85 - PAYPAL ACCOUNT
Username / beneficiary: alagangkapatid@news5.com.ph 

Maaari lamang na i-email ang cash deposit slip details sa mga sumusunod na email addresses: alagangkapatidfoundation.tv5@gmail.com or alagangkapaÂtidfoundationtv5@yahoo.com
Sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa Alagang Kapatid Foundation landline: (02) 3764412 (02) / 6893100 local 45191 or 45192 o fax 936 7181.