MANILA, Philippines - Umiral ang pagiging brat ng isang aktres kaugnay ng isang pelikulang nagawa. Ang tsimis ay hindi raw niya nagustuhan ang ending niya sa pelikula kaya pinababago niya ito.
Eh, gustuhin man ng producer na pagbigyan ang request ng aktres, mukhang malabong mangyari dahil tapos na ang movie. Hindi rin naman kayang ma-edit pa ang mga eksena kaya hindi niya kayang pagbigyan ang hiling ng aktres.
Of course, makakatulong sana ang aktres pagdating sa promotions ng movie. May sarili rin naman siyang crowd pagdating sa paghahakot ng tao. Kaya lang, hindi naman ganoon kayaman ang producer upang ma-overhaul ang buong movie, huh!
Eh, natuto naman ang producer sa pangyayari so nagdarasal na lang siya upang kumita ang movie ng aktres.
Direktor walang alam kung anong kapalaran ng tini-taping na series
Patuloy lang ang pagti-taping ng isang director sa bagong project ng isang network. Pero maging siya kasi ay hindi alam kung kelan ipalalabas ang series na pinaghihirapan niya.
Nasanay na rin naman ang director sa sistema ng network. Magpapagawa ng teleserye na kapag hindi nagustuhan ay ibinabasura kahit milyones ang nagastos.
Eh, nagkaroon pa naman ng bagong launching ng bida ng soap. Pero bigla ring nawala ang init ng young actress kahit pinagseksi pa siya.
Kaya ang director, go lang nang go sa pagti-taping dahil hindi naman ang pagdidirek ang kanyang totoong bread and butter, huh!
Aktor nire-reject ang trabaho kahit malaki ang tf pag may conflict
Todo-karir daw ang isang aktor kapag nabibigyan siya ng regular project. Tanging ‘yun lang daw ang nasa utak niya kaya naman kapag hinilingan siyang maglagare sa trabaho, dedma ang aktor.
Tutal naman daw, rich ang parents ng aktor so hindi na niya kailangang magpakangarag sa trabaho, huh! So basta may conflict sa offer sa on-going niyang work, dedma ito kahit malaki pa ang paysung sa kanya, huh!