MANILA, Philippines - Pagkatapos ng sakuna at stress na dulot ng habagat, panahon na para sumaya, tumawa kaya panoorin ang Men of Reel sa Saturday, 9:00 p.m., sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City.
Isang malaking bagyo ng happiness ang ibibigay nina Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards, at Richard “Ser Chief†Yap sa mga manonood.
May pasabog din ang bagong all-female sing and dance group na D’ Fruities. Ito’y binubuo nina Angel, Princess, Anne Klein, Andrea & Pia, under Sunrise Entertainment, Co. sa pamamahala ni BenjiePe Benito. Mapapakinggan ang una nilang single na Kinikilig at ni-revive nila ang kantang Puputulin Ko. Campus girls ito na nabuong grupo. Si Angel ay naging finalist ng Talentadong Pinoy. Si Princess naman ay si Lani Misalucha ang peg. Si Anne Klein naman ang pambato sa sayawan. Si Andrea ay sophisticated, daring, at model type dahil sa kanyang height. Pinakabunso naman nila si Pia na isa ring crooner at may kalidad ang boses.
Kasama rin sa birthday show ng katotong Roldan Castro ngayong Sabado sina Joel Mendoza, Dk Valdez and his band, Tyrone Oneza, Azrah, Lemuel Santos with L.S. Band, Dennis Senier dela Cruz, Vincent Suhayon, Mark Anthony Oblea, at ang Knights Band. Ito’y sa direksiyon ni Leklek Tumalad. Para sa ibang detalye, tumawag sa 0947-3835131 o 710-0352. Makakabiili ng ticket sa SM tickets at sa gate ng Zirkoh.