^

PSN Showbiz

Men of Reel mang-aaliw pagkatapos ng sakuna

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng sakuna at stress na dulot ng habagat, panahon na para sumaya, tumawa kaya panoorin ang Men of Reel sa Saturday, 9:00 p.m., sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City.

Isang malaking bagyo ng happiness ang ibibigay nina Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards, at Richard “Ser Chief” Yap sa mga manonood.

May pasabog din ang bagong all-female sing and dance group na D’ Fruities. Ito’y binubuo nina Angel, Princess, Anne Klein, Andrea & Pia, under Sunrise Entertainment, Co. sa pamamahala ni BenjiePe Benito. Mapapakinggan ang una nilang single na Kinikilig at ni-revive nila ang kantang Puputulin Ko. Campus girls ito na nabuong grupo. Si Angel ay naging finalist ng Talentadong Pinoy. Si Princess naman ay si Lani Misalucha ang peg. Si Anne Klein naman ang pambato sa sayawan. Si Andrea ay sophisticated, daring, at model type dahil sa kanyang height. Pinakabunso naman nila si Pia na isa ring crooner at may kalidad ang boses.

Kasama rin sa birthday show ng katotong Roldan Castro ngayong Sabado sina Joel Mendoza, Dk Valdez and his band, Tyrone Oneza, Azrah, Lemuel Santos with L.S. Band, Dennis Senier dela Cruz, Vincent Suhayon, Mark Anthony Oblea, at ang Knights Band. Ito’y sa direksiyon ni Leklek Tumalad.  Para sa ibang detalye, tumawag sa 0947-3835131 o 710-0352. Makakabiili ng ticket sa SM tickets at sa gate ng Zirkoh.

 

ALDEN RICHARDS

ANNE KLEIN

DENNIS SENIER

DK VALDEZ

JOEL MENDOZA

JOSE MANALO

KNIGHTS BAND

LANI MISALUCHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with