Nabasa ko rito sa Pilipino Star Ngayon o PSN na para raw pang-high school yung mga itinanong sa Q&A portion ng Miss World Philippines. And yet kahit ganun ang impression ng sumulat ay hindi pa rin nasagot ng maayos ng mga contestants ang mga madadaling tanong sa kanila. Kaya siguro minani lang ito ng nakakuha ng titulo.
Itong ganitong Q&A ang madalas ay nakasisira ng diskarte ng mga sumasali sa mga beauty pageants. Paano nangangapa sila ng sagot, hindi dahil hindi nila alam ang sagot kundi kung paano nila ito itatawid sa lengwahe ng mga Amerikano, to borrow Vero Samio’s words. Agree ako kay Vero na parang nahihiya silang mag-Tagalog kaya nagpipilit mag-Ingles. Kung magta-Tagalog sila at gagamit na lamang ng interpreter ay hindi pa sila mapapahiya. Bakit hindi na nga lang sila mag-Tagalog?
Pang-Award na acting ni Rufa Mae niragasa ng bagyo
Sad naman ako para kay Rufa Mae Quinto dahil bagyung-bagyo ang pagsisimula ng pelikula niyang Ang Huling Henya. Very promising pa naman ito at kung paniniwalaan si Direk Marlon Rivera puwede siyang manalo ng acting award para sa kanyang role. Oh well, sana naman magtuluy-tuloy nang lumabas ng bansa si Maring. Marami na siyang nasalanta. Panahon na para magsimula tayong muÂling bumangon. Dito naman magaling tayong mga Pinoy, survivor tayo. Kahit mahirap, madali tayong bumangon.
Pagpalain ang mga tumutulong
Sa pagkakataong ito ay gusto kong papurihan ang mga tao na sa kabila ng kalamidad na dumating sa bansa ay nagagawa pa ring ipagpatuloy ang kanilang mga gawain para makapagbigay ng impormasyon, balita at entertainment na kailangang-kailangan sa panahong ito na marami ang nasalanta, nagluluksa sa pagkakabuwis ng buhay ng mga mahal nila. Salamat din sa mga patuloy na nagbibigay ng tulong na pera, pagkain, damit, at matutuluyan sa maraming naapektuhan ng baha. Salamat din at mabuhay kayong mga taga-media na hindi napipigil ng malakas na ulan at baha para magawa ang kanilang mga trabaho, lalo na dun sa mga kailangang pumunta sa malalayong lugar para mai-report ang kalagayan ng mga tao dun, pagpalain din ‘yung mga walang kakayahang tumulong pero nagbibigay ng tulong sa kanilang sariling pamamaraan. Sa inyong lahat, pagpalain kayo ng Diyos.