^

PSN Showbiz

Shaina pumayag mag-bold para kay Piolo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa na ng love scene si Shaina Magdayao sa isang pelikula. Kasama ang aktres sa pelikulang On the Job na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Gerald Anderson. Asawa ni Piolo ang role ni Shaina sa nasabing proyekto kaya napasabak ang dalawa sa ilang maiinit na eksena. “The project itself is very bold, it’s very daring, risky. Medyo iba talaga siya sa napapanood natin. Gumagawa naman tayo ng intimate scenes kapag kailangan sa telebisyon pero it’s the first time sa film na mature ’yung role ko. This is different,” nakangiting pahayag ni Shaina.

“Sabi ko naman siguro sa tagal ko rito sa industriya, as long as kailangan ng eksena, maipalabas ang gusto naming ipalabas. Most importantly, kung pinagkakatiwalaan ko ang leading man ko at direktor ay gagawin naman natin ’yan.”

Kamakailan ay pumutok ang balitang may espesyal na namamagitan kina Piolo at Shaina. Ano na nga ba ang totoong estado ng kanilang relasyon nga­yon?

“Isa po siyang mabuting kaibigan talaga. Hindi ko alam kung bakit naa-appreciate niya ako. Even before ’yung lumabas (isyu tungkol sa kanila), isa na po talaga siyang mabuting kaibigan sa akin. From Lobo pa, doon pa lang ina­lagaan niya na ako and ngayon it’s a privilege to work with him,” giit ni Shaina.

Sa Aug. 28 ay palabas na sa mga sinehan ang OTJ. 

Zanjoe inaambisyong mag-Lastikman

Bukod sa pagiging abala ni Zanjoe Marudo sa teleseryeng Annaliza at sa sitcom na Banana Nite ay mayroon pang ibang proyekto ang nakatakda niyang gawin.

“Gagawa ako ng pelikula sa Star Cinema, comedy film ulit at may gagawin din akong indie (film) this year,” bungad ni Zanjoe.

Nae-enjoy daw talaga ng aktor ang paggawa ng mga may temang nakatatawa.

“Noong simula pa lang, ’yung comedy nakadikit na. Simula pa lang ay hindi na ako nawawalan ng comedy, sitcom, gag show, ’tapos sa Kimmy Dora, at nabigyan ako ng pelikula na comedy. Kailangan talaga naming hanapin kung saan ’yung magwo-work. Kung ’yun ang gusto ng management, ’yun ang gagawin ko. Pero kung gusto nila ng drama, ng pa-sexy, puwede,” paliwanag ng binata.

Samantala, gusto muling gumanap ni Zanjoe bilang isang super hero kagaya ng ginawa ni Vic Sotto sa pelikulang Lastikman. Matatandaang gumanap na rin si Zanjoe bilang si Super Islaw sa teleseryeng Super Inggo noon.

“’Yung ganoong klaseng role hindi na ako naghe-hesitate kung kaya ko ba o hindi. Kumbaga, gusto kong magkaroon ng ganoong project kasi confident ako na magagawa ko. Hindi siya ganoon kaseryoso. Ako, mukha lang akong seryoso pero kapag kumikilos si Lastikman ay charming at humahaba pa ang kamay kaya noong ginawa ni Vic Sotto, charming ang kinalabasan. Nagpaparinig lang, gusto ko talaga,” natatawang pagtatapos ni Zanjoe.  Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                       

AKO

BANANA NITE

FROM LOBO

GERALD ANDERSON

LASTIKMAN

SHAINA

VIC SOTTO

ZANJOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with