Shocked na shocked si Rufa Mae Quinto dahil hindi natuloy ang red carpet premiere kagabi ng Ang Huling Henya. Handang-handa pa naman siya na rumampa sa premiere night ng kanyang relaunching film sa sinehan ng Glorietta Mall sa Makati City.
Kung shocked ang beauty ni Rufa Mae, mas shocked sa kanya ang mga tao dahil sa ilang araw nang pananalanta ni Typhoon Maring sa Metro Manila, “Miring†ang alam ni Rufa Mae na pangalan ng bagyo. Henyang-henya siya ’di ba?
Bumaha kahapon sa maraming lugar sa Metro Manila at Luzon provinces. Tuloy pa rin ang pagtatrabaho ni Rufa Mae dahil nag-taping siya para sa game show ni Luis Manzano sa ABS-CBN. Umapir si Rufa Mae sa Minute to Win It dahil nag-promote siya ng Ang Huling Henya.
Humihingi ng dasal si Rufa Mae para gumanda na ngayon ang panahon dahil playdate na nga ng kanyang pelikula.
Malakas man ang ulan kahapon, may dapat pa rin na ipagpasalamat ang mga Pilipino dahil hindi nagkaroon ng brown out.
Kahit paano, updated tayong lahat sa mga kaganapan. Napapanood natin sa TV at napapakinggan sa radyo ang mga babala, ang mga lugar na dapat iwasan dahil sa tubig baha at sa mga tulong na puwede nating ibigay sa mga nasalanta ng kalamidad.
Jaya kinakarir ang pagka-aktres
Nanibago ang viewers ng Mga Basang Sisiw kay Jaya dahil sanay sila na napapanood na kumakanta sa Sunday All Stars ang anak ni Elizabeth Ramsey.
Aktres na aktres si Jaya sa mga eksena niya sa Mga Basang Sisiw. Talagang pinanindigan niya ang pagiging aktres kaya huwag tayong magtaka kung masundan pa ang mga teleserye ng GMA 7 na puwedeng salihan ni Jaya.
Sen. JV proud sa pinagawang pumping station
Proud si Sen. JV Ejercito dahil napapakinabangan ng mga residente ng Barangay Balong Bato, San Juan City ang kanyang pumping station project noong congressman pa lamang siya.
Nagpapasalamat kay JV ang mga naninirahan sa Barangay Balong Bato dahil hindi sila nakaranas ng baha sa kanilang lugar. Ang say ni Papa JV, first time in 82 years na hindi bumaha sa Barangay Balong Bato dahil sa pumping station na perfect na gumagana sa tabing ilog ng San Juan.
Ang pagbaha na nangyari kahapon ang paalala sa informal settlers sa tabi ng mga ilog na isa sila sa mga dahilan ng pagtaas ng tubig. Panahon na talaga para lumipat sila sa mga relocation site na ibinibigay ng gobyerno dahil hindi malulutas ang problema ng pagbaha sa Metro Manila hangga’t hindi nalilinis ang mga tabing ilog. Sila naman ang unang nagrereklamo at nagdurusa kapag umaapaw ang mga ilog na sila rin ang may kasalanan.