Ogie sobrang laki ang kontrata sa TV5

Ngayong tapos na ang successful silver anniversary concert ni Ogie Alcasid, ang kanyang 25: I Write The Songs, haharapin naman ng mister ni Regine Velasquez ang kanyang bagong trabaho sa kanyang bagong home studio, ang TV5. Si Ogie ang mamumuno sa Music Development Dept. o Division ng nasabing TV network kaya lahat ng mga programang may kinalaman sa musika o theme songs ay dadaan sa mga kamay ng sikat na singer-songwriter. May tatlong bagong programa na rin kaagad siyang haharapin.

Ngayon, Salve A. ay mas naiintinhan ng marami kung bakit nag-desisyon si Ogie na tanggapin ang alok ng TV5 kung saan ang ninong sa kasal nila ni Regine Velasquez na si MVP (Manny V. Pangi­linan) ang big boss.

Sa tatlong programa at pagiging music consultant ay nangangahulugan lamang ng more than double pay ang tatanggapin ng mister ni Regine

Dalawang estudyanteng hapon dusa ang inabot sa ‘Pinas

Hindi ito showbiz item, Salve A., pero gusto ko itong isulat dahil sa napaka-traumatic experience ng dalawang Japanese students (schoolmates ng anak kong si Aila Marie sa Kwansei Gakuin Unversity sa Nishinomiya City, Japan) sa kanilang first trip and visit sa Pilipinas. Dahil summer break sa Japan, nagtungo ng Cebu City ang dalawang estudyante para sa kanilang  crash course in English. Habang nasa Cebu, naagawan ng kanyang Japan cell phone ang isang Japanese student. As if this was not enough, last Friday evening ay mas malalang experience pa ang kanilang naranasan nang kanselahin ang lahat ng flights ng Zest Air. Dapat ay may flight from Cebu to Manila ang dalawang Japanese students ng Friday night at balik naman sila ng Cebu from Manila last Sunday evening. As early as 6:00 p.m. ay nasa Cebu International Airport na ang dalawang estud­yante waiting for their 8:10 p.m. flight to Manila.

Sa kasamaang palad, wala silang kaalam-alam na suspendido that day ang lahat ng flights ng Zest Air sa iba’t ibang lugar at destinasyon. Nagkagulo sa Cebu airport ang lahat ng may confirmed flights ng Zest Air  at hindi alam ng dalawang estudyanteng Hapon kung ano ang kanilang gagawin dahil hindi pa sila ganoon kagaling mag-Ingles.

Si Aila ang matiyagang nakipag-coordinate  thru mobile phone sa mga staff ng Cebu airport na kung maaaring tulungang makalipad patungong Maynila ang dalawa niyang schoolmates. Karamihan ng mga confirmed passengers ng Zest Air ay in-accommodate ng ibang airlines tulad ng PAL, Air Philippines at Cebu Pacific pero sa magkakaibang flights at hindi sabay-sabay dahil priority sa kanila ang kanilang mga sariling passengers na kumpirmado rin ang flights that day.

Nakasakay ang dalawang pobreng estudyante ng Cebu Pacific patungong Maynila sa ganap ng pasado 1:45 a.m. ng madaling araw at alas-tres ng madaling araw ng Sabado na sila nakapag-check-in sa kanilang hotel sa Makati. Mangiyak-ngiyak ang dalawang estudyanteng Hapon na dumating sa kanilang hotel na hapong-hapo, gutom at kulang sa tulog.  Kinalingguhan ng gabi, muling nakaranas ng malaking problema ang dalawang estudyante sa kanilang flight back to Cebu last Sunday evening.  Mag-isa lamang ang staff ng Zest Air sa old domestic airport  na humarap sa mga passengers at walang kongretong maisagot kung anong oras makakalipad ang mga pasahero sa kanilang destinasyon.  Pinayuhan na lamang namin ang mga Japanese students sa pamamagitan ni Aila (who were with them) na magtungo sila ng NAIA 3 at magbakasakaling bumili ng panibagong ticket sa ibang airline na may flight patungong Cebu. Luckily, nakabili sila ng 11:00 p.m. flight papuntang Cebu mula sa Cebu Pacific at doon lamang napa­yapa ang dalawang estudyante. 

For sure, Salve A., hindi lamang ang dalawang estudyanteng Hapon ang mga turista na nakaranas ng perwisyo at bad experience mula sa Zest Air. Of course, lalung-lalo na ang mas nakakaraming mga kababayan natin na apek­tado sa kaguluhang nangyari sa nasabing local carrier na kinansela ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil isyu ng safely ng paglipad ng mga eroplano ng budget airline.

Ang nakakalungkot lang, ano ang magiging first impression sa Pilipinas ng dalawang estudyaneng Hapon at ng ibang turista sa kanilang unang biyahe sa Pilipinas? Is it more fun in the Philippines? Tell me.

 

Show comments