Isa si Sharon Cuneta sa celebrity talent scout sa finals ng Talentadong Pinoy Battle Royale na napanalunan ng yo-yo player na si Spyro Marco. Kasama rin si Mega sa nagbigay ng standing ovation kay Spyro Marco sa husay na ipinakita noong finals.
Anyway, nabanggit ang The Mega and The Songwriter musical show nina Sharon at Ogie Alcasid na magsisimula sa September 15, Sunday. Sabi ni Sharon, matagal na niyang hinintay na magkaroon ng musical show, kaya masaya at excited ito lalo’t kasama pa si Ogie.
May nagkuwento rin na naiyak si Sharon nang unang i-present sa kanya ang The Mega and The Songwriter dahil matagal na nga niyang gustong gawin ang concept na ito. Ang maganda pa, may kanya-kanya pa silang segments ni Ogie na mas magpapaganda sa show.
Dahil sa vertigo at asthma Helen Gamboa bawal nang magpuyat
Sobrang nanghihinayang si Helen Gamboa na hindi na niya magagawa ang Akin Pa Rin ang Bukas dahil pinagbawalan siya ng kanyang doctor na magpuyat dahil sa kanyang vertigo at asthma. Pinanghinayangan ni Helen ang ganda ng kanyang role at hindi na makakasma sa taping ang co-stars niya.
Nahiya rin si Helen sa GMA Network dahil nag-effort na makuha siya tapos hindi rin pala siya matutuloy. Pinasalamatan nito ang understanding at bait ng management at hahayaan siyang makapagpahinga muna. Babalik siya sa trabaho ‘pag okey na siya at ‘pag may clearance na from her doctor. As of now, kailangan niyang sundin ang “no taping†at “no puyat†na payo ng doctor.
Si Liza Lorena ang ipinalit ng GMA7 sa role ni Helen at dahil nakapag-shoot na si Helen, kailangan i-reshoot ni direk Laurice Guillen ang mga eksenang nakunan na.
Sa September 9, ang pilot ng Akin Pa Rin ang Bukas na nagtatampok kina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Rocco Nacino, Charee Pineda, at Cesar Montano. Kasama na rin sa cast si Gloria Romero.
Child star na si Mona Louise expert na sa pagtuturok ng insulin
Nakabibilib ang tapang ng childstar na si Mona Louise Rey sa pagharap sa sakit niyang Type 1 diabetes. Kuwento nito, ‘pag wala ang mom niya, siya mismo ang nagtuturok ng insulin sa sarili at siya rin ang nagpi-prick sa daliri niya to check her blood sugar.
Dahil nasanay na, hindi na nasasaktan ang bata at ipinakita pa nga kung saang parte siya ng katawan ng i-inject ng insulin at anong daliri ang favorite niyang pini-prick. Nami-miss ni Mona ang favorite food niya na bawal na niyang kainin ngayong diabetic siya, pero minsan, nakakakain pa rin siya ng mga bawal ‘pag mababa ang blood sugar niya at sa time na ‘yun, masayang-masaya siya.
Na-feel lang namin ang hirap ni Mona sa kanyang sakit nang sabihin ang wish sa ninth birthday niya last August 19 na gusto niyang gumaling sa kanyang sakit para maging normal ang buhay niya.
Tamang-tamang nag-celeberate si Mona ng birthday niya sa piling ng mga batang diabetic din sa Institute for Studies on Diabetes Center for Diabetes Care sa Marikina City. Nakalaro niya ang mga batang may pareho niyang sakit at ang payo niya sa mga ito ay mag-pray at ‘wag mawalan ng pag-asa.