Pokwang nawalan ng puwang sa pagpasok ni AiAi

Makabalik pa kaya si Pokwang sa Toda Max kung ganyang sinasabi na ni AiAi delas Alas na regular ba siya sa sitcom? Nung una kasing bumalik mula US si AiAi ay replacement lamang siya ni Pokwang na magbabakasyon ng isang buwan. Pero with AiAi on the show baka naman magkaroon ng ibang programa si Pokwang. Napapansin lang ng marami na  kahit panay ang pagbabalasa sa show ay hindi naaapektuhan ang ratings nito. Sino kaya ang talagang nagdadala ng show? Nung una, it was believed to be Robin pero, nawala siya ng di namalayan. Now with Pokwang almost out of Toda, makaapekto kaya siya? O ang programa talaga ang sinusubaybayan?

Whoops kiri whoops binuhay ni Vice

Maganda sigurong gawing permanent segment ng Gandang Gabi Vice ‘yung pagbabalik sa ilang mga showbiz personalities na matagal nang nawawala. Mukhang type ng manonood ‘yung pagkakaroon ng update ng mga ilang personalities na gumawa ng pangalan tapos ay nawala na. Masaya yung appearance ng mga nagpasikat ng kantang Whoops Kiri Whoops. Kahit dadalawa sila, viewers appreciated the fact na active pa rin  sila sa showbiz at magaganda pa rin sila. Siguradong pretty ‘yung third member nila dahil flight stewardess na ito. Sana maghanap pa si Vice o ang mga researchers niya ng mga artists/performers na matagal na absent sa scene para malaman natin kung ano naman ang ginagawa nila. Okay ba, Vice?

Mga taxi namimili ng mga isasakay

O galit na naman ang kaibigan ko at kasamahan dito sa PSN na si Vero Samio dahil mahigit isang oras ang itinagal niya sa pilahan ng seniors citizen sa lugar niya sa SM Fairview , ‘yun pala P65.50 lang ang ibibigay sa kanyang discount sa halos kulang sa P3,000 na napamili niya sa supermarket. Excited pa naman siya dahil first time siyang ga­gamit ng senior citizen card, ‘yun pala napagod lang siya sa kahihintay ng matagal na nakatayo dahil iisang lane lamang ang nakatalaga para sa senior citizen na tulad niya. Akala daw niya mga 20 o 30% ang discount pero 5% lang pala at sa selected items lang.

Pagdating pa niya sa pilahan ng taksi, parang pila sa sinehan ang haba. At ewan niya kung bakit pinababayaan ng guwardya na makapamili ng isasakay ang mga taxi drivers. Ayaw daw ng malapit at ayaw din ng malayo. Meron ding nangongontrata. Dapat ang taxi kapag nakipila sa taxi bay ay obligadong magsakay ng pasahero at hindi umalis kung ‘di nila type ang lugar ng pasahero nila.

Kalma ka lang, Vero. Baka magkasakit ka sa puso

Alex kayang talbugan si Toni

Bongga ‘yung performance ng magkapatid na Toni at Alex Ginzaga sa Voice of the Philippines nung nakaraang Sabado. Ngayon ko lang nalaman na kumakanta rin pala ang dating prinsesa ng TV5. At maganda  silang tandem na mag-sister. Maganda ‘yung naisip ng istasyon na gawin silang parehong host ng show. Hindi naman pala kataka-takang saluhin ng Dos si Alex dahil talented din ito.

 

Show comments