Kung totoong lahat ’yung mga paghihigpit na ginagawa ni Daniel Padilla sa kanyang dyowang si Kathryn Bernardo, hindi kataka-taka kung masakal at gustuhing kumawala ng kanyang nobya.Bata pa ito kaya hindi pa dapat nireÂrendahan ng husto, lalo’t wala pa naman yata silang seryosong relasyon. Dapat sa kanilang edad, enjoy-in nila ang mga bagay na dapat ine-enjoy ng mga kaedad niya para kapag nasa edad na sila, wala silang pagsisihan na na-miss.
Daniel, kung gusto mong magtagal ang relasyon n’yo, huwag kang maging mahigpit na parang isang ama. Puwede mong pagbawalan na tumanggap ng ibang manliligaw pero pagdating sa mga damit at mga bagay na dapat gawin para sa kanyang trabaho, let her be. Kundi, bukas makalawa pa ay naghahanap na kayo ng iba.
Sen. Grace ipakikilala sa buong mundo ang Pilipinas gamit ang film tourism
Sayang, hindi na nakita ni Da King ang malaÂking impluwensiya na nagawa niya sa kanyang anak na si Sen. Grace Poe-Llamanzares. Maski na si Susan Roces ay proud na proud sa kanyang unica hija at ipinagkakapuri niya ang kabutihan ng puso nito na makatulong sa mga mahihirap ngayong nasa posisyon na siya na may magagawa para sa kanila.
Balita ko ay tinupad ni Grace ang ipinangako niyang pakikipagkitang muli sa entertainment media na 100% na naniwala sa kanyang kakayahang maglingkod sa bayan. Kaya nga siya nag-No. 1 sa Senado.
The movie writers, in general, said na walang nagÂbago sa senadora, except daw na hindi na nito nagagawang mag-tiangge dahil nauubos ang panahon niya hindi sa paghahanap ng bargain kundi sa pagpapa-picture sa mga tao na hindi niya matanggihan. Sigurado sila na sincere ito sa kanyang mga ipinangako na pagpapatuloy ng mga nasimulan ni Fernando Poe, Jr. na pagtulong sa mga mahihirap. At ang pork barrel nito ay nakasisiguro silang pakikinabangan ng dapat lamang na makinabang. Pero pinakagusto ng mga naka-luncheon niya ’yung sinabi niyang pagtutok sa film tourism ng bansa para mas makilala ang Pilipinas bilang isang magandang lugar para pag-shooting-an ng foreign films. Mabuhay ka, senadora!
Tirso pinagpipistahan sa pagba-bakla
Sabi na nga pagpipistahan ng marami ’yung pagkakatuklas na bakla pala ang character ni Tirso Cruz III sa serye ng kabila na nagtatampok kay Judy Ann Santos. Ginawa raw na bakla si Pip para man lamang makaagapay sa kasikatan ng My Husband’s Lover na inaalmahan ng friend kong si Veronica Samio dahil isang taon daw inabot ang taÂping ng serye ni Juday at alam na ang wakas bago pa man umere ang serye naman nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Wala raw kopyahang naganap.
Inulit-ulit din sa akin ni Vero na walang kinalaman ang pagtatapos ng serye ni Juday sa serye ng GMA. Talagang ginawa ng Dreamscape ni Deo Endrinal na pang-13 weeks lamang ang Huwag Ka Lang Mawawala tulad din daw ng Muling Buksan ang Puso. Point taken, Vero. Kalma na!