Paulit-ulit na panggagahasa ng ama sa sariling anak, bistado!

MANILA, Philippines - Bibistuhin ni Julius Babao ang diumano’y paulit-ulit na panghahalay ng isang ama sa kanyang 18 taong gulang na anak sa Bistado ngayong Lunes (Agosto 19), 4:45 p.m., sa ABS-CBN.

Pagbubunyag ng biktimang si Che Che, paulit-ulit umano siyang minomolestiya ng sariling ama tuwing aalis ang kanyang ina para mamasukang kasambahay.

Bagama’t isinumbong na ng dalaga ang madilim niyang sinapit sa ina ay hindi siya nito pinaniwalaan, kaya naman inilapit niya ito sa Bistado. Mapatunayan kaya ni Che Che ang pang-aabuso at tuluyan nang mapanagot sa batas ang ama?

Tunghayan din ang gagawing pagtugis ng awtoridad sa isang sindikatong nasa likod ng pagkalat ng mga ilegal na baril na ginagamit sa iba’t-ibang krimen.

Show comments