^

PSN Showbiz

Kaaway ng kontrobersiyal na showbiz personality nagsisisi sa ginawa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mababawasan na ng kaaway ang isang kontrobersiyal na showbiz personality dahil ready nang mag-sorry ang tao na nakaalitan niya.

Aaminin ng nakaaway ng controversial personality na siya ang nag-umpisa ng away at pinagsisisihan niya ang nangyari.

Ang gagawin ng nakaalitan ng showbiz personality ang magpapatunay na totoo ang kanyang madalas na sinasabi ng huli na siya ang unang inaaway ng mga tao na nakaka-engkuwentro niya sa loob at labas ng entertainment industry. Likas na mapagpatawad ang showbiz personality kaya tiyak na tatanggapin niya ang sorry ng kanyang dating mortal enemy.

Dingdong sinugod ang ulan para makapagbigay ng bangka sa mahihirap na estudyante

Malakas ang buhos ng ulan kahapon dahil kay Typhoon Maring pero hindi ito na­ging sagabal sa lakad ni Dingdong Dantes at ng mga kasama nito mula sa Yes Pinoy Foundation.

Kesehodang malakas ang ulan at masama ang panahon, nagsadya si Dingdong at ang kanyang grupo sa Casili Elementary School sa Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Inalalayan ang grupo ng 16th Infantry Battalion ng Philippine Army dahil ma­dulas ang daan papunta sa bulubundukin na lugar ng Rodriguez, Rizal.

Nag-donate si Dingdong at ang Yes Pinoy Foundation ng bangka, bags, school supplies, kapote, life vests, at solar powered lamps sa mga estudyante ng Casili Elementary School.

Malaking tulong ang bangka na donasyon ng Yes Pinoy Foundation dahil may masasakyan na ang mga bata para makarating sila sa school.  Kawawa ang mga estudyante dahil lumalangoy sila sa ilog para makapasok sa school at makapag-aral. Hulog sa kanila ng Diyos si Dingdong at ang mga member ng Yes Pinoy Foundation na nagbigay agad ng tulong nang malaman nila ang miserable na kalagayan ng mga pobreng bata.

Pinasalamatan ni Dingdong si Buhay Party List Representative Irwing Tieng dahil ito ang nag-donate ng bangka para sa mga estudyante ng Casili Elementary School.

Michael V. nagpapasalamat, hindi na kailangan ng blood transfusion

Dinalaw kahapon ni Ogie Alcasid sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City ang kanyang kaibigan na si Michael V. Hindi agad napuntahan ni Ogie si Michael V. sa ospital dahil naging busy siya sa rehearsals ng kanyang anniversary concert, ang 25: I Write the Songs.

Ibinalita ni Ogie na maayos na ang kalagayan ni Michael V. dahil tumataas na ang blood platelet count nito. Nagpasalamat si Ogie sa lahat ng mga nagdasal para sa mabilis na paggaling ng kaibigang komedyante na kinagat ng isang malupit na lamok kaya tinamaan siya ng dengue. Hindi na naka-apir si Michael V. sa anniversary concert ni Ogie sa Mall of Asia Arena noong Biyernes dahil sa kanyang karamdaman.

Nag-post kahapon ng message ang comedian at TV host sa kanyang Instagram account. Ang sabi niya, “God is good. We’re slowly but steadily seeing progress in my condition. I do not require transfusion anymore at this point, so, I’d like to thank all those who helped out. If all goes well, I may be able to go home tomorrow and continue bed rest for a week. I thank the good Lord for listening to our prayers.”                  

Mother Lily tatlong beses nag-birthday

Babatiin ko uli ng happy birthday si Mother Lily Monteverde dahil ngayon ang kanyang actual birthday. Sosyal si Mother dahil tatlong beses ang kanyang birthday celebration, noong Sabado, kahapon, at ngayon.

Isang dinner ang ibinigay kay Mother ng kanyang close friends noong Sabado at kahapon ay magkakasama sila ng pamilya niya sa isang birthday lunch. Ngayong gabi, may dinner uli para kay Mother na isa sa well-loved personality sa entertainment industry. Happy birthday again Mother!

BARANGAY SAN RAFAEL

CASILI ELEMENTARY SCHOOL

DAHIL

KANYANG

MICHAEL V

OGIE

YES PINOY FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with