Cesar nabawasan ang pagiging maginoo

Sa mga naglalabasang kanegahan kay Cesar Montano, maraming tagahanga niya ang natu-turn off, kasama na ang writer kong friend na si Veronica Samio na all the while ay mataas ang pagpapahalaga sa pagiging maginoo ng aktor.

Kahit hindi pa siya completely sold sa mga “sinasabi” ni Sunshine, nagdadalawang isip na siya sa ibinibigay na paghanga sa aktor. Hindi siya sold sa ginawa nitong pagsabay kay Sunshine Cruz para lang siya hindi madumog sa pagpunta sa kanyang sasakyan pagkagaling nila sa korte pero talagang hindi siya makapaniwala na pagsasabihan nitong ngumiti si Sunshine nang papalabas sila ng kor­te para lamang palabasin na all’s well with them? Height daw ’yun ng kaplastikan.

Judy Ann kailangan ng matinding pag-iisip

Masama pala talaga ang loob ni Judy Ann San­tos sa naging pagtrato sa kanyang serye ng Ka­­pamilya Network. Nahalata ba niya na mas pi­na­paboran ng istasyon ang serye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaysa sa serye niya? At kahit tutol siya, gusto nilang iatras itong muli sa mas gabing slot? Kaya nagdesisyon na lang siyang paikliin ito?

Now she has to decide later on kung mananatili ng network o lilipat. Pero saan? â€™Di naman puwede sa TV5 dahil may tampo naman doon si Ryan Agon­cillo. Sa Siyete naman ay may mga nauna ng reyna.

Paano ba ’yan? Kailangan talaga niyang mag-isip para makagawa ng isang wise decision. Good luck, Juday!

Rita napatunayang may ibang alam

Congrats kay Rita Avila! Unti-unti niyang pinatutunayan na marami pa siyang alam bukod sa acting. Tulad ng pagsusulat. ’Yung libro niya para sa mga bata na may pamagat na Si Erik Tutpik at Si Ana Taba ay finalist sa Cardinal Sin Book Awards for this year. Hindi man ito manalo, may pruweba na si Rita na multi-talented siya.

Congrats uli, Rita! Pride ka pa rin ng That’s Entertainment!

Show comments