Nagulat naman ang marami at biglang natakot sa panawagan na blood donation para kay Michael V. na malubha sa kanyang sakit na dengue. Naka-confine ito sa kasalukuyan sa St. Luke’s sa Quezon City. Unang nanawagan para sa blood donation ang mga kapwa niya Kapuso at mga kaibigan ding sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Jaya. Medyo kasi may kahirapang makahanap ng tipo ng dugo ni Bitoy na B+.
Alarming ang kalagayan ni Bitoy sa maraming kababayan natin na wina-walang bahala lang ang sakit na dengue. Sa pagkakasakit ni Bitoy ay na-realize ng marami na hindi ito isang basta-bastang sakit.
Ekstra pinag-aaralan pa ang mga sasalihan sa abroad
Magsisinungaling ang mga taong nasa likod ng pelikulang Ekstra: The Bit Player lalo na ang major star nitong si Gov. Vilma Santos kapag sinabi nilang hindi sila na-disappoint nang hindi ito makapasok sa Cannes International Film Festival. Pero hindi ito nakatanggal sa enthusiasm ng grupo na mayroon silang isang magandang produkto na kung hindi man nakapasok sa isang international filmfest ay hindi ibig sabihin ay hindi na ito makakapasok sa iba.
True enough, matapos itong kilalanin at paraÂngaÂlan dito sa ating bansa, nagagawa na nitong tuÂmanggi sa maraming alok mula sa maraming foÂreign filmfests. May dalawa nang tinanggihan ang producer na si Atty. Joji Alonso. Dahilan ito sa nakatango na sila sa Toronto Film Festival. Mayroon pa rin silang tatlong pinag-aaralan, dalawa sa Asya at isa sa Europe.