^

PSN Showbiz

Illegal vendors, nagbibigay ‘lagay’ kaya pabalik-balik sa bangketa?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ang inihaing batas ni Sen. Nancy Binay na Anti-corporal Punishment Act of 2013 na nagbabawal sa pananakit sa mga bata sa kahit anong paraan ngayong Sabado (Agosto 17) sa Failon Ngayon.

Sa ilalim ng naturang batas, paparusahan ang si­numang mahuhuling magbubuhat ng kamay, mam­bubulyaw, mamahiya at iba pa sa mga bata kahit pa magulang niya ito. Tuluyan na nga bang ma­aalisan ng karapatan ang mga magulang sa pagdidisiplina kapag naipasa ang batas?

Sisiyasatin din sa episode ang patuloy na pagnenegosyo ng illegal vendors sa mga bangketa na nakakadagdag sa trapiko. Giit ng Metro Manila Development Authority (MMDA), puspusan ang sidewalk clearing operations na kanilang isinasagawa para malunasan ito.

Ngunit sa panayam ni Ted kay Mang Jun, isang sidewalk vendor sa Commonwealth Market, may kolektor umanong buwanang naniningil ng P5,000 hanggang P12,000 sa kanila para payagan silang ma­kapagtinda. Sinu-sino kaya ang tumatanggap ng “lagay” mula sa mga tindero para makapagpabalik-balik sila sa kalsada?

Tatalakayin din sa episode ang planong muling pagsasaayos sa Manila Zoo.

Panoorin ngayong Sabado (Agosto 17), 4:45 p.m., pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.

 

AGOSTO

COMMONWEALTH MARKET

FAILON NGAYON

MANG JUN

MANILA ZOO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NANCY BINAY

PUNISHMENT ACT

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with