World Cup Champion Fabio Cannavaro at Chelsea football legend Dennis Wise darating para kina James at Phil

MANILA, Philippines - Sa darating na Aug. 24 na gaganapin ang Clear Supremacy Powered by Clear, ang pinakamalaking football game sa bansa na kasama pa uli ngayong taon sina World Cup Champion Fabio Cannavaro at Chelsea football legend Dennis Wise sa line up.

Matapos ang apat na linggo at libu-libong boto sa Clear Dream Match 2 ay nakabuo na ng team sina James at Phil Younghusband. Ang twist ngayong taon ay nasa kamay ng fans ang pagpili sa napasamang players na mula sa 50 ay naging 34 na lang. Idinaan ito sa online voting.

Ang Team Phil ang nabigyan ng unang draft na hinati sa three rounds.

Sa Round One, namili sina James at Phil ng limang magagaling na manlalaro. Kay Team Phil, ang limang napili ay sina Carlie de Murga, Park Min Ho, Jeff Christaens, OJ Porteria, at Patrick Deyto. Kay Team James naman napunta sina Yves Ashime, Jason de Jong, Misagh Bahadoran, Saba Garmaroudi, at Ossenyou Diop.

Ang Round Two, nagbunutan ang magkapatid. Pinili ni Phil sina Jinggoy Valmayor, Masanari Omura, Byeong Yeol Jeong, Chris Greatwich, Boyet Canedo, Anton del Rosario, Nick O’Donnel, Sam YG, Mikko Mabanag, Armand del Rosario, at Ronald Batisla Ong. Ang kay James ay sina Roxy Dorlas, Tony Toni, Chieffey Caligdong, Nico Bolzico, Jonah Romero, Ian Araneta, Simon Greatwich, Daniel Matsunaga, at Ref Cuaresma.

Ang Round Three ay nagkaroon ng wildcard pick. Sa Team James sina Izzo Elhabib at ang Team Phil si Rufo Sanchez.

Sa mga nag-iisip kung kaninong grupo mapupunta ang mga football legend na bisita, eto pa ang isang twist: Sina Cannavaro at Wise ang pipili kung saang team nila gustong maglaro sa final game.

“I’m so excited for the game. I think I have made the right selection and look forward to defending my title as the better Younghusband,” nakangiting sabi ni Phil.

Sabi naman ng Kuya James niya, “It’s going to be a lot of fun. It’s going to be such an honor to share the playing field with legends such as Cannavaro and Wise.”

Abangan ang Clear Dream Match sa Sabado na, Aug. 24, sa football grounds ng University of Makati. Sa mga gustong manoood ng live, mabibili pa ang tickets sa lahat ng SM Ticket outlets.

Show comments