Gerald proud sa pagmumura
Ang lutong at maraming beses nagmura ang karakter ni Gerald Anderson sa OTJ (On the Job) at pinayagan siyang magmura dahil R-16 ang rating ng movie. Sobrang blessed ang aktor na napasama sa pelikula dahil matagal na niyang dream na makagawa ng action movie.
Kuwento nito, binabasa pa lang niya ang script ay nagulat siya na gagawa ng ganung klaseng pelikula ang Star Cinema at alam niyang dapat niyang tanggapin. Binuking din nitong wala sa script ang kanyang pagmumura at adlib niya ’yun na mas nagbigay igting sa karakter niyang si Daniel.
Nagpaligsahan din sa tagal kunan ng love scene sina Gerald at Piolo dahil kung ang love scene nina Gerald at Dawn Jimenez ay eight hours kinunan ni Direk Erik Matti, ang love scene naman nina Piolo at Shaina Magdayao ay two days kinunan.
Sa Aug. 28 ang showing dito ng OTJ at Sept. 27 sa North America. Interesado raw ang Icelandic actor/director na si Baltasar Kormakur na i-remake ang movie with Hollywood stars sa cast.
Talentadong Pinoy singer ang inaasahang mananalo
Ang hula ng press, singer ang mananalo sa TaÂlentadong Pinoy Worldwide na ang grand finals ay bukas na gagawin sa Cuneta Astrodome sa Pasay City at live na mapapanood sa TV5. Dahil tatÂlo sa seven finalists ay singer at pawang babae, isa kina Sor Apao, Haina Uddin, at Rina Forbes ang posibleng tanghaling Ultimate Talentado.
Si Haina ang pinakabata sa tatlong singer finaÂlists at bilang paghahanda sa finals, araw-araw siyang nagbo-vocalize at ingat sa kinakain. Less sweets, iwas sa malamig at eight hours ang tulog.
Gusto niyang sundan ang success ng favorite niyang sina Sarah Geronimo at Jessica Sanchez.
Heart ibabalik kay Sid
Ibabalik ng GMA 7 ang tambalan nina Heart EvanÂgelista at Sid Lucero sa Afternoon Prime na Bayarang Puso sa direction ni Maryo J. Delos ReÂyes. Kasama sa major cast si Dominic Roco at marami pang mapapabilang sa cast.
Soap na pagbibidahan ni Marian Rivera ang unang nabalitang ididirehe ni Direk Maryo at ang sabi pa nga, sina Lorna Tolentino, Alden Richards, at Gloria Romero ang kasama sa cast. Obviously, nagkaroon ng pagbabago dahil hindi siya, kundi si Heart ang makakatrabaho ng director.
Unang nagkasama sina Heart at Sid sa Legacy at nagkaroon pa ng alingasÂngas sa kanila na pareho nilang itinanggi. This time, hindi sila puwedeng ma-link dahil may Sen. Chiz Escudero na ang aktres at happy first time father naman si Sid.
Lucky charm ni Sid Lucero si baby Halo Eve, ang anak nila ng partner niyang si Bea Lao dahil ilang araw mula isilang, dalawang projects na ang kanyang gagawin. Isa ang Afternoon Prime na Bayarang Puso ng GMA Network at bida rin siya sa Katipunan ng GMA News TV.
Nang makausap namin si Sid, galing siya sa pakikipag-usap para sa Katipunan. Akala raw niya minimiting lang siya. Hindi niya alam na io-offer ang isa na namang original series na isusunod ng GMA News TV sa Titser.
Gagampanan ni Sid ang role ni Andres BoniÂfacio.
Isinulat na children’s book ni Rita nominado sa Cardinal Sin Book Awards
Masayang ibinalita ni Rita Avila na ang librong sinulat niyang Si Erik Tutpik at Si Ana Taba ay finalist sa 2013 Cardinal Sin Book Awards. Sa Aug. 28 malalaman kung mananalo si Rita.
Story nila ng asawang si Direk FM Reyes ang Si Erik at Si Ana Taba noong mga bata pa sila dahil binu-bully sa kapayatan ng asawa at mataba si Rita.
Ang first book ni Rita na 8 Ways to Comfort with Grace ay nominated din at kahit hindi naÂnaÂlo ay masaya na rin ang aktres. Sinulat ito ng aktres after pumanaw ang baby nilang si Jesu ilang araw lang mula nang isilang.
“Napaiyak ako sa tuwa. I am actually starÂting another book kaya ’katuyo ng utak,†text ni Rita.
Ang bagong libro yata ang rason kung bakit dalawang TV offers ang pinalampas ng aktres na dapat ay kasama siya sa cast ng Pyra.
- Latest