Claudine hindi nakasipot sa hearing, kinapitan ng sakit sa balat
PIK: Inaasahang matindi ang labanan nina Aljur Abrenica ng Ligang iLike at ni Sef Cadayona ng Tweethearts dahil malaking challenge sa kanilang dalawa nang nag-share sila sa Best Performer award sa Sunday All Stars nung nakaraang Linggo.
Si Kuh Ledesma ang isa sa uupong hurado kasama sina Janno Gibbs, Jaya, at Joey de Leon.
PAK : Tipid na tipid ang sagot ni Jennylyn Mercado kapag tungkol sa pamilya ang pinag-uusapan, nang humarap ito sa presscon ng bagong programa niyang Anak Ko ‘Yan na magsisimula sa August 26 ng umaga.
Iniiwasan niyang pag-usapan ang tungkol sa tunay niyang magulang dahil masayang-masaya na raw siya sa Mommy Lydia Mercado niya.
Ayaw niyang sagutin ang tungkol sa tunay niyang ina na nasa ibang bansa na raw ito at ang tunay niyang ama na nandito lang daw at tumutugtog sa isang banda.
Nang tinanong tungkol sa obligasyon ni Patrick Garcia sa kanilang anak na si Alex Jazz, “okay na kami†lang ang sagot nito.
BOOM: Hindi natuloy ang hearing ng kasong PPO at Habeas Corpus nina Raymart Santiago at Claudine Barretto kahapon dahil sa di pagsipot ng huli.
Dapat ay merong hearing kahapon ng umaga at meron pa uli sa hapon pero hindi nakasipot si Claudine.
Nakita namin sa Instagram account ng aktres na nagpapagamot ito ng Chronic Urticaria (isang uri ng sakit sa balat).
Nakarating naman si Raymart pero hindi na rin itinuloy ang hearing at itutuloy na lang daw sa susunod na linggo.
Samantala, panay naman ang post ni Sunshine Cruz ng mga litrato nitong kasama ang mga anak niya.
Ang laging nasa litrato ay ang panganay at ang pangalawang anak niyang sina Angeline Isabelle at Samantha Angelene. Pero may kuha ring magkasama ang tatlong anak na suot pa ang damit na sinuot nila sa hearing.
Maaring kuha ‘yun pagkatapos ng hearing na dinaluhan ng tatlong bata.
May isang litrato rin si Sunshine kasama ang panganay niyang anak na si Isabelle at may komento itong “Finally with mommy! I love you @sunshinecruz77.â€
Walang nagbigay ng komento ang dalawang kampo dahil sa gag order pero ang pagkakaintindi ng karamihan ay binigyan sina Cesar at Sunshine ng joint custody sa tatlo nilang anak.
- Latest