‘Tao lang ako, nasasaktan rin ako’: Judy Ann magpapahinga muna, gusto munang mag-isip ng klaro

“Ang pag-renew ng kontrata, ‘di ko muna masasagot. Magpapahinga muna ako. Kelangan ko lang mag-isip ng klaro. Tao lang ako, nasasaktan rin ako. Kaya kailangan ko rin magpahinga,” sagot ni Judy Ann Santos sa ‘di matapus-tapos na isyu kung aalis na ba siya sa ABS-CBN o lilipat either GMA 7 or TV5 nang magkaroon ng finale presscon kahapon ang Huwag Ka Lang Mawawala na magtatapos na next week.

Inamin din niya sa nasabing presscon siya ang nag-request na tapusin ang HKLM. “It was my decision to end it. Kung ano man yung sitwasyon nga­yon, it’s settled already.

“Gusto kong mag-end ang teleserye nang taas-noo,” bilang pagkaklaro sa sinasabing kaya tatapusin ito ay para maeere na ang Got To Believe na pinagbibidahan ni Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

“I must say that doing ‪HKLM was a roller coaster ride na talaga worth fighting for. Very thankful po talaga kami sa suporta ng tao.

“Sa lahat ng nangyari sa karera ko, itong HKLM lang ang masarap na mahirap tapusin kasi masyadong masaya ‘yung set.

“Yung praises ng tao ang pinakamasarap na sadness. Ibig sabihin we did a great job. We delivered more than accepted,” sabi niya na may kasamang lungkot.

“Sana po hanggang sa dulo ng serye, suportahan n’yo po kami,” apela ng aktres.

Masaya rin ang actress na nagsilbing inspirasyon ang kanilang serye para sa mga  kababaihang pisikal at emosyonal na naaabuso at naaapi.

“Masaya ako na sa pa­ma­magitan ng aming show ay nagawa kong makatulong sa ibang tao, lalo na sa mga babaeng ina­akalang wala silang ma­­gagawa laban sa mga mapang-abuso nilang ka­relasyon,” ani Judy Ann.

“Nagsilbing eye-opener sa sambayanan ang Huwag Ka Lang Mawawala tungkol sa mga tunay na isyu hinaharap ng mga inaabusong kababaihan.”

Ibinahagi rin ni Judy Ann na ipinagmamalaki niya na ang kanilang teleserye, kung saan tampok din sina KC Concepcion at Sam Milby, ay magtatapos na napanatili ang mabilis na takbo ng kuwento nito at mataas na national TV ratings.

“Laking pasalamat ko talaga sa lahat ng mga manonood namin, dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, na walang palyang sinundan ang laban ni Anessa (Judy Ann) mula sa simula. Dahil sa inyo, mas naging memorable ang aking teleserye comeback,” aniya.

Nag-dialogue din siya na mas mabu­ting wala na ‘yung tag na reyna para walang expectations.

At kahit hindi pa pipirma uli ng kontrata si Judy Ann sa ABS-CBN sigurado na naman na siya ang magho-host ng upcoming kiddie game show ng network na Bet On Your Baby.

Rufa Mae bagong buhay, tinalikuran ang pagiging booba

Ibang level ang acting ni Rufa Mae Quinto sa la­test movie niyang Ang Hu­ling Henya na dinirek ni Marlon Rivera, ang director ng Ang Babae sa Septic Tank.

Sa trailer pa lang makikita mo ang kakaibang Rufa Mae na sumabak sa action, drama, at matalino ang role niya rito. Babu na siya sa pagiging Boba.

“Siyempre iba ako rito. Masaya ako sa kinalabasan ng pelikula namin. We did our best,” sabi ni Rufa Mae kahapon sa pelikulang produced ng Viva Films.

Since si Direk Marlon ang nag-handle sa Henya, tatalbugan ba niya rito si Eugene Domingo sa Septic Tank?

“Iba si Uge eh. Nakasama ko naman siya, a-attend nga siya ng premiere sabi niya, saka love ko naman si Uge saka love rin niya ako. Kaibigan ko rin ’yun. ’Di ba, sa Kimmy Dora, nag-guest din ako dun? Ako ‘yung girl sa last scene na walang dialogue.

“Kumbaga, parang isang grupo rin lang kami, sina Direk Joyce Bernal, Direk Wenn Deramas, itong sina Direk Marlon. Hindi ko puwedeng i-compare kung ano ako kay Uge kasi iba ’yung training niya, iba ’yung paniniwala niya, iba siya.

“Saka she deserves it kasi she’s very sincere saka alam mo ’yung tuwing nakikita ko siya, parang ‘Wow, narating mo na rin ’to,’ nagbida na siya, ’yung ganun.

“Kaya pala siya umabot dito kasi marami namang nakakatawa, maraming magaling ’tapos nung sumikat siya, ilang taon na rin siya. So, sabi ko sa kanya, ‘I’m so happy for you,” mahabang sabi ni Rufa Mae kahapon.

Samantala, nabuko na nagkarelasyon sila ng Brazilian model na si Akihiro Sato noong nang dito pa ito sa Pilipinas. Hindi na siya naka-deny nang ibuking ni Fabio Edi na kasama niya sa pelikula.

 

Show comments