^

PSN Showbiz

Aktor ayaw mahawa sa kamalasan sa takilya ng ka-partner ng aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May mga naunang press releases na muling magtatambal sa isang pelikula ang dalawa sa prized ta­lents ng isang network. Bukod sa dalawa na magbibida, may iba pang pangalang nabanggit na kasama sa cast ng movie.

Pero itinanggi ng producer ng movie ang project. Focus sila sa natapos na isa nilang pelikula at may bagong big movie project na pinaghahandaan.  

Ang mas masakit para sa aktres na bida sana sa movie, ayaw muna ng kampo ng aktor na leading man niya dapat na muli siyang makapareha sa movie o TV dahil hindi nag-klik ang dating projects na kanilang pinagsamahan. Flop ang movie nila at hindi rin nagklik sa TV ang kanilang tambalan.

Para hindi na madagdagan ang flopsinang project ng aktor, iwas muna siya sa pakikipagtambal sa magandang aktres. Tiyak na maiinsulto ang aktres ‘pag nalamang hindi ang pagi­ging busy ang rason nang pagtanggi ng aktor na makasama siya kundi ayaw mahawa sa pagiging flopsina.

Gary V. iniyakan ng fan

Puno ang second Tuesday ng concert series ni Gary Valenciano sa Teatrino billed Tuesdays with Gary. Pinasayaw ni Gary ang audience nang manood kami last August 13 at hindi napigilang may nag-sing-along sa ganda ng re­pertoire. 

Up to September 24, ang concert series, pero sabi ni Gary baka ma-extend sila hanggang October, bago ang US Tour niya sa November. ‘Katuwa lang dahil sa tatlong dekada ni Gary sa industry, may fan pa itong never siyang nakikita in person and last Tuesday, umiyak ang anak ng owner ng Arlington Memorial Chapels dahil first time siyang ma-meet in person.

Anyway, ibinalita ni Gary na tinatapos na niya ang bagong album niyang The Answer na ilu-launch sa August 25 sa ASAP. Kasama rito ang composition ni Young JV na Ngiti. Siya rin ang bagong TFC Ambassador ng ABS-CBN, kaya madalas siyang aalis, pero babalik din para sa ASAP.

Other schedules ng Tuesdays with Gary are: Aug. 20, 27 and Sept. 3, 10, 17 and 24 sa Teatrino.

Carla kuntento na sa isang serye kada taon

Sina Carla Abellana, Victor Basa, at KC Mon­tero ang hosts ng Miss World Philippines 2013 sa Sunday, August 18. Last time na ang GMA Network ang TV partner ng beauty pa­geant, sina Carla at Ding­dong Dantes ang host.

Hindi naman siguro ang pagho-host ng Miss World ang nabanggit ni Carla na kasama sa new con­tract niya sa network na isang soap at isang hosting job ang gagawin niya dahil isang gabi lang ang Miss World.

Kaya after My Husband’s Lover, next year na uli mapapanood sa soap si Carla dahil ‘yun ang nasa kontrata niya. Sabi noon ng aktres nang aming makausap, okey sa kanya na one soap a year lang ang gagawin para balanse ang kanyang ginagawa.

Sa pagpapatuloy ng mall show ng cast ng My Husband’s Lover, today at 4:00 p.m., nasa NCC Mall, Davao sina Carla, Tom, Dennis, at ibang cast para magpasalamat sa patuloy na sumusubaybay ng MHL na up to now, trending pa rin sa Twitter.

Kim nasanay na sa ahas

Nakakaloka si Kim Rodri­guez dahil pati sa birthday niya, ahas pa rin ang kasama. Sa Ark Avilon Zoo nag-celebrate ng kanyang 19th birthday ang aktres with her fans at nag-enjoy itong kasama ang iba’t ibang hayop.

Nagtagal siya sa area ng Burmese phyton at walang takot na hinawakan at ipinupulot ang mala­king ahas sa kanya. Nasanay na itong humawak ng ahas mula nang gawin ang Kakambal ni Eliana, kaya parang wala lang kung hawakan ang ahas. Nami-miss na raw nito si Naja, ang ahas na ginamit sa launching soap niya dahil nag-last taping day na ito.

Hindi kina Enzo Pineda at Kristoffer Martin na kasama niya sa Kakambal ni Eliana nali-link si Kim, kundi kay Kiko Estrada na ABS-CBN talent. Nakasama niya ito sa Tweenhearts at sa indie film na Chasing Boulevard na entry sa 2014 Cinemalaya.

 

ARLINGTON MEMORIAL CHAPELS

CARLA

CHASING BOULEVARD

DAHIL

GARY

MISS WORLD

MY HUSBAND

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with