Kampo ni Cesar pumalag nagpapabili ng bahay worth P15M at P350,000 ang gustong sustento Sunshine hindi nagsasabi ng totoo, pera ang dahilan kaya nagdemanda

MANILA, Philippines - Pumalag ang kampo ni Cesar Montano sa akusasyon ni Sunshine Cruz na umano’y pangri-rape at pananakit ng aktor sa asawa. Kahapon ay nagpadala na statement ang abogado ni Cesar.

Ayon sa statement hindi totoo ang sinasabing pangri-rape ni Sunshine dahil nung gabing sinasabi nito ay magkasama silang natulog ni Cesar sa condo ng aktres dahil after nilang mag-dinner ay nag-stay ang actor at umalis lang ito the following day.

After pa raw noon ay nagkaroon pa ang mag-asawa ng palitan ng text messages. Mismong si Sunshine daw ang nag-imbita na sumama sa aktor sa nasabing dinner.

Kinontra rin sa statement ang sinasabi ni Sunshine na ayaw sa kanyang isauli ng aktor ang kanilang mga anak. Ang mga bata raw ang nag-decide na sa aktor tumira. Hindi rin daw ipinagdadamot ang mga bata at puwede itong makita kahit anong oras gustuhin ng aktres.

Sinabi pa ng kampo ni Cesar na nagpapabili ng bahay si Sunshine na worth P15 million at inaapela ng aktres na ‘wag babaan ang kanyang monthly support na P350,000 sa P100,000 at gumagawa lang daw ng kuwento ang aktres dahil hindi naibigay ang hinihingi nito.

Anyway, narito ang kabuuang statement ng kampo ni Cesar sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Joel Ferrer.

“The criminal complaint for violation of R.A. 9262 filed by Sunshine Cruz against my client, Cesar Montano, is a mere verbatim rehash of the petition for protection order earlier filed.  It must be recalled that the application for a Temporary Protection Order (TPO) was denied by the court last week though a hearing for the protection order is set on Aug. 15. 

“ Be that as it may, my client vehemently denies the charges and prevarications le­veled against him as contained in the complaint of Cruz.  We maintain that there is no truth whatsoever that my client abused Cruz whether physical or verbal.  The marital rape Cruz is alluding to is simply preposterous. 

“From what we know, my client was invited by Cruz to join her and their children for dinner on May 12, 2013, Mothers’ Day.  They had dinner at the Edsa Shangrila Hotel.  Thereafter Montano slept and stayed overnight at the present residence of Cruz.  He left the place the following day. The two even had exchanges of text messages of good nature belying any animosity between them several days after the Mothers’ Day celebration.

 â€œRelative to the custody of the children, it is actually the children’s preference that they stay at their family residence at Tivoli Royale. It is also worth mentioning that Cruz is at li­berty to see them anytime whether at the Tivoli residence on in the school where the children go to every single day. It is Cruz’s expressed decision not to go probably due to her hectic work schedule.

  “We believe Cruz filed the cases against Montano to gain leverage in her fervent desire to seek an annulment of their marriage.  To this date Montano is exerting earnest effort to preserve their matrimonial bond especially for the sake of their children.

Samantala, tuloy naman daw ang buhay ni Sunshine after niyang kasuhan ang asawa.

Ayon sa report, dumating si Sunshine sa pictorial ng Galema kung saan siya makakasama.

“I need to save to buy a house for me and my kids.

“Sa totoo lang, kung hindi ako nagdadasal at naniniwala sa Diyos, hindi ko kakayanin. Pero malaking bagay na ipinagdadasal ako ng friends ko, family ko. Kapag mayroon naman akong hinaing sa buhay, ang kinakausap ko yung nasa itaas,” sabi niya sa interview sa ABS-CBN.

FIBA Asia Coverage ng TV5 panalo sa ratings

 Panalung-panalo ang TV5 nang mahigit 5 mil­yong Pilipino ang tumutok sa pag-ere nito ng mga laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia 2013 noong nakaraang Sabado at Linggo.

Sa datos ng Mega Manila TV audience measurement (MEGATAM) overnight data ng Nielsen Media Research, nakakuha ang TV5 ng 33.1% ng audience shares nang ipalabas nito ang laban ng Gilas Pilipinas laban sa South Korea noong Agosto 10, Sabado.

Pagkatapos ng pagkapanalo ng Gilas, patuloy ang pananabik ng mga Pilipinong basketball fans dahil ang championship game ng Pilipinas kontra Iran ay nagbigay ng 38.1% audience share sa TV5 sa MEGA Manila.

Ang naganap na FIBA Asia Championships ay inihatid ng Sports5.

Kung sabagay wala yatang hindi nakatutok sa nasabing laban.

Hall of Famers, magpapasiklaban sa Talentadong Pinoy Battle Royale!

Mainit ang magiging tunggalian ng pitong Hall of Famers ng Talentadong Pinoy Worldwide sa magaganap na Battle Royale sa August 18 sa Cuneta Astrodome. Kanya-kanyang pagpapakitang gilas ang gagawin nila Sor Apao, Laserman, Rina Forbes, contortionist group na Larvae, Nocturnal Dance Group, Rina Forbes at Haina Udin para sa pinakaaasam na titulong 4th Ultimate Talentado.

Bibirit at ipamamalas ng Dabawenyang si Sor Apao ang kakaiba niyang boses. Bata pa lamang si Sor ay magaling na siyang umawit.

Kakaibang magic tricks naman ang ipamamalas ni JB Dela Cruz, mas kilala bilang Laserman. Dating nagtratrabaho si JB sa PLDT ngunit pinili niyang iwanan ito para sa kanyang hilig sa pagma-magic.

Hinalina naman ni Rina Forbes ang madla sa kanyang musika. Walang professional training si Rina at tanging pagsali sa mga choirs ang humasa sa kanyang galing. Ngayon, dinadala si Rina ng kanyang tinig sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Para namang walang buto ang grupong Larvae. Lahat ng alam nila tungkol sa contortionism at acrobatics ay self-taught at kadalasan silang nag-eensayo sa may batis sa kanilang lugar ay gagawin nila.

Isang bonggang performance naman ang ipakikita ni Spyro Marco gamit ang Chinese yo-yo. Nag-umpisang mahilig si Marco sa Chinese yo-yo nang minsan siyang bumisita sa Disneyworld. Ang kanyang lola ang nagtulak sa kanyang sumali sa Talentadong Pinoy.

Hahataw naman sa pag-sayaw ang Nocturnal Dance Group na kilala sa pag-sasalin ng Hip-Hop sa mga tradisyunal na Pilipinong sayaw. Nais maging Ultimate Talentado ng grupo upang makasali sa World Championships of Performing Arts (WCOPA).

Wagi rin ang awit na ihahandog ni Rina Forbes. Si Rina ay kauna-unahang kampeon ng Talentadong Pinoy Middle East.  Nais ni Rina na maging sikat sa singer dito sa bansa.

Hindi naman nagpahuli ang Talentadong Pinoy host na si Ryan Agoncillo sa pagpapakitang gilas. Isang special number kasama ang grupong Manuevers ang gagawin ng host-actor.

Sina Judy Ann Santos, Direk Joey Reyes, John Lapus, Joey de Leon, at ang mga Kapatid stars na sina Edu Manzano, Derek Ramsay, Aga Muhlach at Megastar Sharon Cuneta ang gaganap bilang celebrity talent scouts ng Talentadong Pinoy Battle Royale.

Gaganapin ang 4th Ultimate Talentado sa August 18 sa Cuneta Astrodome. 

 

Show comments