MANILA, Philippines - Walang kapantay ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak. Pero anong pagmamahal ang maibibigay niya kung ang anak na iniluwal may espesyal na pangangailangan? Kung ang anak na kanyang magiging pag-asa ay siyang aasa sa kanya?
Ngayong Sabado, tunghayan ang kuwento ng isang ina—at ng kanyang anak na may autism.
Ang Autism ay isang kondisyon sa pag-iisip na nagpapabagal sa development ng isang tao sa pakikipag-usap at pakikipagkapwa. Isang kondisyon kung saan hirap ang mayroon nito na magpaintindi ng kanilang nais gawin, at ng kanilang saloobin.
Isang kondisyon na hahadlang sa kanila para magsumbong sa pagkakataong may gumawa ng masama sa kanila.
Para sa inang si Tessa, dobleng pag-aalala ang kanyang haharapin sa paglaki ng kanyang anak na babaeng may autism. Bukod kasi sa madalas na pambabastos na hinaharap ng kababaihan, dagdag pa sa kailangan niyang isipin ay kung paano makalalaban — o paano makapagsusumbong ang kanyang anak — kung mayroong manalbahe, mambastos, at manghalay sa kaniya?
At paano kung ang taong gagawa pa nito ay taong pinagkakatiwalaan at minamahal nilang mag-ina?
Sa ilalim ng masusing direksiyon ni Adolf Alix, Jr., at sa panulat ni Mary Rose Colindres base sa pananaliksik ni Karen Lustica; itinatampok sa Hinagpis ng Isang Ina: the Rape of an Autistic Child sina Jean Garcia at Barbara Miguel sa kanilang natataÂnging pagganap bilang mag-inang haharap sa matinding pagsuÂbok; kasama rin sina Alicia Alonzo, Joko Diaz, JM Reyes, at Sue Prado.
Huwag palagpasin ang Magpakailanman ngaÂyong Sabado ng gabi pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.