Cesar tahimik pa sa mga akusasyon!

PIK: Kahapon na nag-pictorial ang buong cast ng bagong telefantasyang Pyra na pagbibidahan ng Protégé winner na si Thea Tolentino, katambal si Jeric Gonzales.

Hanggang sa pictorial nito ay parang hindi pa rin makapaniwala si Thea na meron na siyang sariling show at simula na ito ng magandang takbo ng career niya sa GMA 7.

PAK: Umuwi na muna ng Cebu si Annabelle Rama pero ayaw munang sabihin sa amin kung ano ang gagawin niya. May gagawin kaya siya kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ng pinsan niyang si Joel del Prado?

Sabi naman ni Bisaya ay hindi niya tatakbuhan ang kasong ito, para magkalabasan na ang buong katotohanan.

Ang huli nitong ipinoste sa kanyang Twitter account: “Ok lang haharapin ko lahat yon. Tell them not to surrender nag-enjoy pa ako, besides damage has been done.

“Reminder lang quote ni Papa nung buhay pa siya, no retreat no surrender, ipagpatuloy ang laban.”

Sabi pa niya, hindi naman siya ang nag-umpisa ng away kaya siya raw ang tatapos nito.

BOOM: Kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children ang isinampa ni Sunshine Cruz laban sa asawa niyang si Cesar Montano.

Isinumite nito ang affidavit kahapon ng umaga sa tanggapan ni Asst. Prose­cutor Edilu P. Hayag ng Quezon City Hall of Justice.

Matindi ang mga paratang ni Sunshine laban kay Cesar base sa affidavit na isinumite nito.

Ayon sa kanya, nakakatanggap daw siya ng pananakit, pagmumura, at kasama na dun ang emotional at psychological abuse mula sa aktor.

Pero kaya umabot sa demandahan dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa ibinabalik ni Cesar ang tatlong anak nila na nasa poder pa nito mula pa nung July 29.

Ayaw daw ibalik ni Cesar sa kanya at hindi na raw sinasagot ang mga text at mga tawag ni Sunshine.

Bukod pa rito ay meron ding Permanent Protection Order na isinampa na noon pa ng aktres laban kay Cesar.

Bukas na diringgin ang naturang kaso.

As of press time, hindi ma-contact si Cesar para mahingan ng sagot kaugnay sa gulong ito.

Show comments