^

PSN Showbiz

Inuntog sa pader, sinasampal, at inaatake: Ginahasa ako ni Cesar – Sunshine

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanggulat si Sunshine Cruz kahapon nang pumunta sa korte bitbit ang complaint affidavit laban sa asawang si Cesar Montano.

Eh wala pa namang malaking istorya sa showbiz kaya biglang sumabog ang inihain niyang Anti-Violence Against Women and their Children sa Quezon City Trial Court.

Last week nag-umpisa ang isyu nang maglabas ng galit si Sunshine sa social media dahil hindi raw nito isinasauli sa kanya ng asawa ang mga anak nila. Hanggang sa korte na siya bumulaga.

Kasama sa mga inireklamo ni Sunshine ang umano’y pagri-rape ng asawa noong Mother’s Day kung saan habang siya ay nag-iisa ay dumating si Cesar at sinaktan  at ginahasa ang asawa.

Ayon sa abogado ni Sunshine, nakakaranas din ng psychological, emotio­nal, financial trauma ang actress. “Before that meron nang mga nangyayari, pero bilang tatay siya ng mga anak ko, as much as possible you want to protect the person,” sabi ni Sunshine tungkol sa acts of violence and verbal abuse sa kanya at sa kanilang mga anak ni Cesar kasama na ang umano’y pag-untog sa kanya sa pader at pagsampal sa kanya.

Sinabi rin ni Sunshine sa mga interview sa kanya kahapon na itinatago na sa kanya ang mga anak nila at puro pangako ang ginagawa nito sa pagsasauli.

“Simula nung naghiwalay kami, I don’t go to that house anymore. My kids are telling me to pick them up because they miss me already. They wanna go home, so pinakuha ko sa driver. But I wasn’t allowed, hindi sila pinalabas ng bahay. Kasi kapag nasa work naman ako, hinaha­yaan ko na kunin niya ang mga bata. Pero hindi na niya isinauli. Puro tomorrow, tomorrow. Sabi ng mga bata kapag tinatanong ko, ‘ ‘Yung tomorrow na iyon, tumagal nang tumagal. Hanggang sa I realized he’s not going to give back my kids,” sabi ng actress na umalis ng bahay nila ng aktor.

Sinabi pa ni Sunshine na marami siyang isinakripisyo nang pakasalan niya ang actor na ayaw daw magsalita.

Nag-umpisa ang problema ng mag-asawa nang magkaroon daw ng relasyon si Cesar sa kasama niya noon sa pelikula tungkol sa buhay ni dating Mayor Alfredo Lim na si Krista Miller.

Tagos sa pusong pagbabalik-tanaw kwento natin to!

Tagos sa puso ang naging pagbabalik tanaw ng ABS-CBN sa 60th year station ID na Kwento Natin Ito  na inawit ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla at anak na si Zia Quizon.

Ibinalik ng naturang music video sa alaala ng mga manonood ang mga hindi malilimutang mga eksena sa natatanging Kapamilya shows na su­malamin sa kwento ng mga Pilipino sa nakaraang 60 taon. Ang bawat karanasan umano ng mga Pilipino ang siyang nagsilbing inspirasyon sa kanila simula nang ipinakilala ang telebisyon sa bansa.

Sinariwa dito ang pag-ibig sa patok na romantic dramas tulad ng Pangako Sa’Yo,   Tayong Dalawa, Princess and I, at Walang Hanggan at pati na rin ang tagumpay sa reality at game shows tulad ng Star in A Million, Star Circle Quest, Pinoy Dream Academy,  Pilipinas Game KNB?, Pinoy Big Brother,  at Pilipinas Got Talent.

Nagpatawa naman sila sa sitcoms na Kaya Ni Mister Kaya Ni Misis, Palibhasa Lalake, Abangan ang Susunod na Kabanata, at Home Along Da Riles at nakiupo rin sila para sa masinsinang usapan sa talk shows tulad ng  Jullie, Teysi ng Taha­nan, Homeboy, at  Today with Kris Aquino.

Nanatili naman sila sa pangakong magbigay ng makabuluhang kaalaman  sa pamamagitan ng prog­ramang tulad ng TV Patrol, Rated K, at World Tonight. Gumawa rin sila ng mga teleserye na nagbahagi rin ng kabutihang asal sa mga kabataan tulad ng May Bukas Pa at  100 Days to Heaven.

ABS-CBN din ang kauna-unahang naglikha ng mga fantaserye kabilang na ang Marina, Kokey, Dyosa, at Agua Bendita  na pasok sa panlasa ng mga Pilipino.

Ang Kwento Natin Ito heme song ay sinaliwan ng musika ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra, sa titik ni Robert Labayen, likha ni Ferdinand Dimadura, areglo ni John Carl Denina, at sa ilalim ng kumpas ni maestro Gerard Salonga.

Bagong kinontrata ng isang network mukhang alalay lang

Mukhang alalay lang ng mga artista ang bagong pinapirma ng kontrata ng isang network na galing na sa kabilang network.

Hindi siya kinakikitaan ng pramis kung hitsura ang basehan.

Kung sabagay mahilig naman mangontrata ng network ng mga artistang  hindi kagandahan samantalang ang dami na nilang mga alagang ganun.

                                             

A MILLION

AGUA BENDITA

ANG KWENTO NATIN ITO

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN

BUT I

CESAR MONTANO

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with