Para makapagpa-impress: Aktor nagsisinungaling sa totoong presyo ng biniling bahay
PIK: Magkasunod na nag-celebrate ng kaarawan ang dalawang bida ng Kakambal ni Eliana na sina Kim Rodriguez at Enzo Pineda. Kahapon ang ika-23 na kaarawan ng aktor pero nung Linggo ay sinilebreyt na niya sa mga batang mag-aaral ng Alabang Elementary School na nagkaroon siya ng feeding program.
Ngayong araw naman ay isi-celebrate ni Kim ang kanyang 19th birthday sa Ark Avilon Zoo sa Frontera Verde, Pasig City.
PAK: Natawa kami sa kuwento ng isang kaibigan na pinag-uusapan itong si aktor na paiba-iba ang presyo ng bahay na binili niya depende sa kausap niya. Kapag magandang girl o medyo pinopormahan ito ni aktor, mataas ang presyo ng bahay na nabili niya.
Pero kung kaibigan o hindi naman niya kailangang pormahan, ang totoong presyo ang sinasabi niya kapag tinatanong.
Meron din siyang ibang kausap na mas mataas ang presyo ng bahay na nabili niya.
Kaya pinag-uusapan na ang aktor ng ilang katrabaho na pataas nang pataas ang presyo ng bahay kapag natatanong ito.
BOOM: Inaabangan na ang pagbalik ni Sarah Lahbati galing Amerika.
Nangako itong dadalo siya sa arraignment ng kasong libel na isinampa sa kanya ni Atty. Annette Gozon-Abrogar sa Aug. 22.
Malalaman na rin natin kung pormal na nai-file na ba nito ang mga kaso niya laban kay Atty. Annette.
Sasagutin na rin kaya niya ang hindi pa rin mamatay-matay na isyung panganganak dahil meron nang pangalang lumabas ng umano’y baby nito kay Richard Gutierrez?
Pero sa kabila ng mainit na hidwaan nina Sarah at Atty. Anette, bukas pa rin ang huli sa posibilidad na pag-aayos nila ni Sarah basta maging matapat lang ito sa kanya at makikita lang niya ang remorse mula sa young actress.
“Kung sasabihin lang niya ang lahat, ang totoo, baka…,†nag-iisip sandali bago niya itinuloy ang susunod niyang sasabihin.
“Kasi hindi naman ako ‘yung type ng tao na matigas o mapang-away. Hindi ako nang-aaway talaga eh.â€
Nagbigay ng pahayag si Atty. Annette nang makausap namin ito sa contract-signing event ni Marian Rivera nung nakaraang Sabado.
- Latest