Michael V. madaling lumipat kung gugustuhin

Hindi naman sumama si Regine Velasquez sa paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5. Katulad ni Ma­rian Rivera ay mananatili itong Kapuso at pumirma pa ng dalawang taong extension at tatlo naman si Ma­rian. Nagpakita na si Asia’s Songbird finally sa Sunday All Stars makaraan ang ilang linggo ng pa­giging absent na naging dahilan para matiyak ng kan­yang mga tagahanga at ng mga manonood ng programa na all’s well between her and the network.

’Yung kay Michael V. naman ang inaabangan ngayon. Curious ang lahat kung sasamahan ba nito ang kaibigan sa kalabang network. Maituturing na isang freelancer ang komedyante dahil walang kon­trata sa GMA Network, Inc. Per program ang kontrata niya at sa kasalukuyan ay mayro’n siyang dalawang programa na napapanood sa GMA, ang Pepito Manaloto at Bubble Gang.

Madali lamang sa kanya ang lumipat, kung gugustuhin niya. Pero tulad ni Ogie ay hindi lamang siya artista ng Kapuso kundi isang bahagi rin ng creative team kaya hindi rin madali sa kanya ang iwan ang kanyang trabaho, may kontrata man siya o wala. Hindi kasali ang Eat Balaga dahil TAPE, Inc. ito at hindi produksiyon ng GMA.

Daniel at Kathryn pinausog ng oras sina Julia at Coco

Baka magalit na ang fans dahil inusog ang dalawang mala­lakas na programang Muling Buksan ang Puso at Juan dela Cruz para bigyang daan ang pagpapalabas ng Got to Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Magiging No. 2 at 3 programs na ng Kapamilya ang mga palabas ng Dreamscape. Mabuti na lamang at matatapos na ang Huwag Ka Lang Mawawala na mas ginusto pa ni Judy Ann Santos na matapos ng mas maaga kaysa sa itinakda ritong 13 weeks kaysa mausog na naman ito sa fourth slot.

Makakatapat naman ng Julia Montes-Enchong Dee-Enrique Gil-starrer ang My Husband’s Lover ng GMA pero sasandali lang naman ito dahil 13 weeks din ang airing period ng Muling Buksan… Hindi na gaanong pinahahaba at talagang hanggang 13 weeks na lamang ang panahon ng pagpapalabas ng mga serye na ginagawa  ng Dreamscape na pinamumunuan ni Deo Endrinal para, tulad ng mga Koreanovela, ay hindi ito lumaylay at mapanatili ang kasabikan ng manonood hanggang sa pagwawakas.

Jodi, Melissa, Aubrey suwerte ng supplement company

Ang suwerte ng Bargn Farmaceutici Phi­lippines Co. (BFPC) na gumagawa ng mga produkto para sa kalusugan tulad ng Cosmo Cee, isang vitamin C supplement na pampaganda; ang Cosmo Skin, isang glutathione supplement na matatagpuan sa mga sabon nitong Cosmo Skin with Kojuc Acid at Cosmo Skin Collagen Hand & Body Cream; at Cosmo Body na pampapayat, isang health and weight loss supplement na nagtataglay ng Green Tea at L-Carnitine.

Kasabay kasi nilang lumalago ngayon ang ka­nilang mga endorser/image model na nang kunin nila ay mga sumisikat pa lamang pero ngayon ay dinudumog na’t pinagkakaguluhan: Sina Jodi Sta. Maria na siyang endorser ng Cosmo Body, Melissa Ricks at mga basketbolistang sina Anthony at David Semerad para sa Cosmo Skin, at sina Aubrey Miles at Troy Montero naman para sa libido enhancer na Euphoria Maxx.

Show comments