Inamin ni Gov. Vilma Santos na nung binabasa niya ang script ng Ekstra: The Bit Player ay na-in love agad ito sa karakter bilang si Loida Malabanan. Nagustuhan din niya ang istorya dahil sa maganda nitong mensahe para sa daan-daang extra o bit player na huwag mawawalan ng pag-asa. Ginawa pa nga nitong halimbawa sina Alma Moreno at Cesar Montano na nagsimula bilang mga ekstra na dinaanan lang ng kamera.
Malaki ang pasasalamat ni Vilma dahil pumayag si Marian Rivera na makasama niya sa pelikula na walang bayad. Katunayan ay pinuntahan niya sa dressing room ang aktres para personal na pasalamatan. Baby Marian pa ang tawag ng Star for All Seasons sa aktres.
‘‘Ngayon ay magka-textmate na kami at madalas na nagtatawagan para kamustahin ang isa’t isa,’’ anang gobernador.
Ni-request din ni Vilma na makasama sa pelikula si Richard ‘‘Ser Chief†Yap dahil paborito niya ito.
Hindi pala niya pinalalampas na panoorin ang Be Careful With My Heart dahil naaaliw siya kina Ser Chief at Maya (Jodi Sta. Maria).
Ipalalabas ang Ekstra sa Agosto 14 sa mga sinehan nationwide mula sa Star Cinema at Quantum Films.
Samantala, natupad ang pangarap ni Jeffrey na makatrabaho si Gov. Vilma Santos bilang direktor nito sa Ekstra. Una niya itong nakatrabaho sa Baby Tsina kung saan isa siyang production assistant noon.
‘‘Gustung-gusto siya ng mga kasamahang artista lalo na ’yung mga gumanap na extra dahil sa pagiging down-to-earth at walang kaere-ere,’’ papuri ng director.