Labihan ka sikat!

CEBU, Philippines - Usa siya sa mga Kapusong actor nga bisan sa pagdagan sa panahon wala mawagtangi’g projects sa primetime bloc sa GMA 7. Respetado ug inila sa iyang henerasyon. Nahimamat sa mga Sugbuanon sa unang adlaw sa Agosto dihang nagpahigayon og mall show sa labing sikat nga programa sa Kapuso station, ang My Husband’s Lover nga gibituonan niya uban nila ni Kapuso leading lady Carla Abellana ug kanhi Kapamilya actor ug karon Kapuso na usab Tom Rodriguez. Usa sa mga nahatagan og higayon ang Banat News Hugyaw (BNH) uban sa mga sakop sa E-Group  (Cebu Entertainment Group) aron mahinabi ang bida sa kontrobersyal ug trending matag adlaw nga teleserye, ang Kapuso actor nga si Dennis Trillo.

BNH:  Could you elaborate duon sa sinabi mo na first time mo naramdaman na tinilian ka? Ano bang deperensya nito sa nuon sa ibang projects mo?

Dennis: Hindi naman sa first time. Tinilian naman ako dati. (laughs) Iba lang yung ngayon. Nadagdagan ng mas marami pang lawak ng audience na nakaka reach out ako. Nakakatuwa dahil lahat kami nararamdaman na phenomenal talaga and it was all unexpected. Mas masarap sa pakiramdam yung hindi mo inaasahan tapos bigla na lang siyang darating sayo.

BNH: Kelan nyo naramdaman na eto na, you’ve hit the mark that you have a very good show?

Dennis: Kelan? Well, nung una pa lang… Nagpunta kami sa Seattle nun. Di pa kasama si Tom nuon. Kasama ko si Temptation of Wife cast. Pero pinapalabas na yung teaser ng My Husband’s Lover. Tapos nung paglabas ko ng stage, daming nae-excite tapos alam nila yung show. Pag binabanggit ko yung title ng show kahit di pa pinapalabas may sumisigaw na. Dahil siguro rin universal din yung pinaparating ng programa dahil madaming nakaka relate. Pang pamilya yung kwento niya although meron siyang anggulo na merong dalawang lalaking magkarelasyon. Maaga pa lang naramdaman na namin. Everyday nadagdagan yung pagkabilib namin dun sa nagagawa nung pag trabaho ng binibigay yung best mo talaga. Hindi lang siya effort ng artista. Yung effort ng lahat. Cast. Crew, director, writer.

BNH: How did you prepare for this role to the point na may nagtatanong kung bakla ka talaga?

Dennis: Pano nga ba?  Kasi nakapag ganap na naman ako ng ganitong role dati. Iba nga siya ngayon pero at least meron na akong idea kung pano siya pino-portray. Siguro gumawa lang ako ng konting adjustments kasi yung nagawa ko dati panahon ng Hapon (Aishte Imasu). Ngayon naman contemporary. Kaya binagay ko lang sa panahon. Ginamit ko din yung mga taong nakakasalubong ko sa araw-araw kasi iba’t-ibang klaseng tao ang nakikilala mo. From there, nakukuha mo yung ibat-ibang characters nila.

BNH: May moment ba na nadadala mo ang character ni Eric off-cam?

Dennis: Minsan. Parang yung daliri ko. (laughs) Seryoso kami sa trabaho namin eh. Pinagbubuti namin yung eksena. Si Popoy (Caritativo, iyang manager) kahit nung first movie ko may tinuturo na siya sakin. May ilang pointers siya. Dala-dala ko yun. So inisip ko hindi na rin ako nahihirapan. Konti na lang ang preparation ko.

BNH: May experience ka ba na may indecent proposal ka? May mga aggressive admirers ba?

Dennis: Meron pero hindi naman umabot sa point na nakakatakot. Syempre may mga ilan naman na ngayon lang sila naka experience ng ganitong klase ng kwento. Tapos nakita nila kami. Natutuwa sila sabay sabing kinikwento nyo yung kwento namin.

Ang Kapuso leading man miangkon nga maong nagustuhan ang ilang programa sa primetime sa GMA gumikan kini sa dili ordinaryong estorya ug ingon man wala silay kontrabida ingon man ang paglikay sa mga naandan na nga bayloay og anak or violence. Dugang niya nga kung wala siya’y laing scheduled shoot, dili siya musipyat sa pagtan-aw sa episodes nga ipasalida matag gabii.  Atangi ang pakighinabi sa Banat News Hugyaw sa uban pang cast sa gikagubtan karon nga My Husband’s Lover.

 

 

Show comments