Freestyle nasa The Crowd Bar

MANILA, Philippines - Ang pop band Freestyle ang siyang primetime performer ngayong Sabado sa pinakabagong entertainment venue sa Mandaluyong City, ang The Crowd Bar.

Nung Sabado, punumpuno ang The Crowd nang mag-perform ang Side A band at ngayon nga, ang kapamilya nilang Freestyle ang siyang magbibigay ng live entertainment.

Sa Aug. 17 at 24 ay ang Fat Session ang nakatakdang kumanta. Marami pang naka-line up na astig na performers sa The Crowd tulad ni Juris at ang MYMP.

 

Show comments