^

PSN Showbiz

Family and Child Summit ng MTRCB matagumpay na nairaos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginanap kamakailan ang Family and Child Summit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Balay Kalinaw sa University of the Philippines Diliman sa Quezon City. Dinaluhan ito ng may 200 pamilya, kabataan, at mga dalubhasa kabilang na ang MTRCB officers and staff, network at TV production representatives, at iba pang indibidwal mula sa iba’t ibang sangay.

Idiniin ni MTRCB Chairperson Toto Villareal ang pagpapahalaga sa mga pamilya na siyang u­nang bumubuo ng values ng isang bata.

Ang unang naging bisita na tagapagsalita ay chair­person of the board ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na si Ms. Emily Abrera na nagsabing ang mga magulang ang dapat ma­ging maingat at magturo sa mga bata kung anong prog­ra­ma ang dapat panoorin kung nasa loob ng bahay at nakabukas ang telebisyon.

Sumunod namang nagsalita ang psychologist na si Dr. Ma. Lourdes “Honey” Carandang. Ipinaalala niyang ang mga bata ay madaling makatanda at gumaya kung ano ang nakikita sa TV.  Para naman sa mga nagdadalaga’t binata na,  sinabi ni Dr. Carandang na mas pinipili ng mga ito ang “real characters in media” at naghahanap ng mga bayani sa napapanood bilang role model.

Nagpaunlak din ang celebrity couples na sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa, Julius Babao at Tin-tin Bersola, at Lander Vera-Perez at Regine Tolentino para magbigay ng kanilang opinion tungkol sa panonood ng mga tamang programa.

Nagkaroon din ng mga discussion at mini-lecture tungkol sa pagiging primary educators ng mga ma­gu­lang sa bahay sa pangunguna nina Chairper­son Mag Cruz Hatol ng National Council for Chil­dren’s Television (NCCT); child advocate at MTRCB board member Atty. Eric Henry Joseph Mallonga; at ang mag-asawang Tibbs at Vangie Evalle ng EduChild Foundation.

Nagtapos ang pagtitipon sa pagpirma ng Memorandum of Agreement na magkakaisa ang MTRCB, NCCT, Anak TV, KBP, mga television network, at iba pa. Nagkaroon din ng closing message ang former MTRCB chairperson and Sen. Grace Poe-Llamanzares at nagpapasalamat siya sa dedikasyon sa pangunguna ni Atty. Toto at sa pagpapatuloy ng kanilang adhikain na hindi sila “censor” kundi gu­magabay sa rating at klasipikasyon ng isang palabas, sa telebisyon man o pelikula.

BALAY KALINAW

CHAIRPERSON TOTO VILLAREAL

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DR. CARANDANG

DR. MA

ERIC HENRY JOSEPH MALLONGA

FAMILY AND CHILD SUMMIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with