Pinag-aagawan sa mga international film festival ang Ekstra, ang kauna-unahang indie film ni Gov. Vilma Santos.
Namo-mroblema na nga si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films, producer ng Ekstra, dahil nagpapatung-patong na ang invitation. Meron na silang tinanggihang dalawang international filmfest kung saan for competition sana ang naturang indie film. Hindi na raw kasi puwedeng tanggapin dahil may mga nauna na silang commitment.
At dahil hindi naka-attend si Gov. Vi sa awards night ng Cinemalaya Filmfest last Sunday night na dineklarang best actress si Gov. Vi, personal ‘yung ibinigay ni Atty. Joji sa presscon kahapon.
Ipalalabas sa mga sinehan ang Ekstra sa August 14.
‘Call Me Maybe’ concert bitin
Nabitin ang mga nanood ng concert ng Canadian singer na si Carly Rae Jepsen na ginanap last Wednesday night sa Smart Araneta Coliseum na ang major sponsor ay ang Globe.
Isang oras lang kasi ang concert na nag-umpisa ng 9:00 p.m at eksaktong alas-10:00 ng gabi ay tapos na. Alas-8:00 ang nakalagay na oras sa ipinamigay na ticket para sa concert ng Globe at smart phone na Huawei.
Pero dahil karamihan naman sa mga nanood ay libre dahil sa promo ng Globe hindi naman sila gaanong nainip. Naghintay ang mga nanood na karamihan ay mga estudyanteng sobrang iiksi ng mga suot na denim short at mga naka-sleeveless with matching pumps or high heeled sandals.
Hindi rin napuno ang Araneta. Nasa Patron at Lower Box lang ang mga nanood na hindi naman nakakataka dahil nga libre bagama’t sa bandang huli ay nagbenta rin sila ng ticket na ang pinakamahal ay P4,000 at pinakamura ang P500. Pero parang huli na ang lahat, hindi na nabenta.
Saka dadalawa ang sikat na kanta ni Carly na alam ng Pinoy – ang Call Me Maybe at Goodtime na sa CD album ay ka-duet niya si Owl City. Kaya ang ibang mga kinanta niya sa ‘concert’, hindi na naka-relate ang audience as in nganga sila.
Tamang palakpak at sayaw-sayaw lang ang mga nanood pero hindi masundan ang mga kinanta ni Carly.
Actually, hindi naman maituturing na concert ang ginawa ni Carly, album promo lang at libre naman ang mga karamihan sa mga nanood kaya wala na ring reklamo ang marami.
Pero may ilan-ilang mga nanay na bitbit ang kanilang anak pero ayun nga hindi maka-relate sa ibang mga kanta.
Pinakahuli niya siyempreng kinanta ang Call Me Maybe. Nagtawag siya ng limang audience sa stage pero nilayasan ng singer dahil pagkatanong niya ng pangalan sa lima, bumaba siya ng stage at nakipagmakay sa ilang nasa audience.
Pag-akyat uli ni Carly ng stage, tapos na ang show. Nag-goodbye na siya at kahit panay ang tili ng ilang bading ng ‘more more’, waley silang napala. Hindi na bumalik sa stage ang singer.
Hindi ko nabilang, pero siguro naka-sampung kanta lang siya. Ito ang kalimitang number of songs ng mga foreign singer na dumarating sa bansa para sa promo ng kanilang album. Wala na ring palitan ng damit na suot niya, tuluy-tuloy lang ang pagkanta niya.
Bagets pa si Carly at parang hindi nagsuklay ang hair style. Hahaha.
Nag-effort naman siyang mag-Tagalog ng “Mahal Ko Kayo.â€
TV host na pasosyal at mahinhin, hindi marunong mag-flush ng ‘dumi’
Kadiri pala ang isang sosyal na TV host (no. 1). Hindi marunong mag-flush ng toilet bowl.
Minsan daw sa kanilang taping ay gumamit si sosyal na TV host ng toilet. So after niya siyempre may ibang gumamit.
Pero hindi raw nakayanan ng kasama niya ring TV host (no. 2) sa show ang nakita sa bowl. So inimbestigahan daw ni TV host no. 2 kung sino ang huling gumamit dahil ang baboy naman daw, hindi marunong mag-plush ng sarili niyang ‘dumi.’
Ayon nang ma-trace nila kung sino, nadiskubre nila si TV host no. 1 na kilalang pasosyal at mahinhin.
Hindi raw porke mahinhin siya at lumaking mayaman ay hindi na niya kayang mag-plush ng sarili niyang ‘dumi.’
Kaya naman pinagbubulungan daw si TV host no. 1 dahil sa nakakadiri niyang attitude.
Ewwwwwww.
Sabihin niya ngayon na sosyal at signature ang suot niya, hindi naman siya marunong gumamit ng banyo. Ano iaasa niya sa iba.
FDCP’s All-Masters National Filmfest ipalalabas sa
SM Cinemas nationwide
Nagsama-sama ang mga most accomplished and celebrated film directors para sa gaganaping Sineng Pambansa National Film Festival 2013.
Pinamagatang All-Masters Edition, this year’s Sineng Pambansa festival, presented by the Film Development Council of the Philippines in cooperation with SM Cinema, pinagsama-sama ang mga haligi ng industriya para sa kanilang panibagong obra - from Elwood Perez (Otso), Gil M. Portes (Isang Tag-araw ni Twinkle), Romy Suzara (Tinik), Maryo J. de los Reyes (Bamboo Flowers), Mel Chionglo (Lauriana), directorial tandem of Peque Gallaga and Lore Reyes (Sonata), Tikoy Aguiluz (Eman), Chito Roño (Badil), Joel Lamangan (Lihis) and Jose Javier Reyes (Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap).
Ipinangangako ng FDCP na ito na ang biggest and most distinguished motion picture event of the year. Gaganapin ang grand reception to formally kick off Sineng Pambansa National Film Festival 2013 sa September 7 at the Atrium of SM Mall of Asia. Full selection of festival films will screen exclusively at SM cinemas in over 45 SM malls nationwide from September 11 to 17.
In addition to the master directors’ entries comprising the main slate for this year’s Sineng Pambansa festival are some special features. A masters’ master tribute seeks to honor the memory of Celso Ad. Castillo with the showcase of the last film he directed, Bahay ng Lagim. New breed cinema is represented by the debut film from TM Malones, Salvi. A short film competition will have winners each from Luzon, Visayas and Mindanao. Recently restored classics respectively from National Artists Lino Brocka and Manuel Conde, namely, Maynila sa mga Kuko ng Liwanag and Genghis Khan are to be likewise screened.
Pekeng Lolit Solis tuloy ang pagti-tweet
In fairness makapal ang mukha ng poser ni Nay Lolit Solis sa Twitter. Kahit ipinagsisigawan na niyang (Nay Lolit) wala siyang Twitter account, tuloy ang pagti-tweet ng kanyang poser na nagpi-feeling insider ng showbiz.
Kahapon nakita ko na naman siyang nagti-tweet.
Jeez ateng, nakikipag-usap na siya sa kanyang lawyer.
Annabelle Rama sumiklab ang galit sa pinsan
Sumiklab ang galit ni Tita Annabelle Rama nang malaman niya kahapon na idinemanda siya ng pinsan niya sa Cebu dahil sa umano’y bouncing check na halagang P1.5 million. Kararating lang niya ng bansa mula sa Amerika.
“Ang kapaaallll ng mukha mo. Nagmamalinis ka pa. Ginawa mo akong pulubi/hustler sa kwento mo, pinalabas mong innocente ka.
“Pinalabas mo na 1.5 m lang ang pera ko sa election at galing pa sa iyo? Baka isampal ko sa iyo ang tatlong bank book ko...,†ilan sa mga tweet ni Tita Annabelle.
Isa ang nasabing pinsan ni Tita Annabelle sa tumulong sa kanya sa kampanya noong nakaraang eleksiyon.