Maynila sa mga Kuko ng Liwanag ipapalabas sa SM Cinemas
MANILA, Philippines - Ang newly-restored na obra ni Lino Brocka na Maynila sa mga Kuko ng Liwanag na ginawa noong 1975 ay mapapanood na sa ilang piling SM Cinemas simula ngayong Miyerkules, Aug. 7. Abangan ang klasikong pelikula ng yumaong direktor sa SM North EDSA, SM Megamall, SM Manila, at SM Southmall.
Ang Maynila ang nagsilbing lugar ng pag-asa at pag-ibig ng dalawang bida — sina Julio (Bembol Rocco) at Ligaya (Hilda Koronel) — pero masaliÂmuot ang kanilang pinagdaanan.
Ang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag na idinirek ni Brocka ay maituturing na pinakamagandang kuwento sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Sa katunayan, ito lang ang Filipino film na nakasali sa listahan ng 1,001 Movies You Must See Before You Die.
- Latest