MANILA, Philippines - Wala nang takot ang karakter ng Pinoy Soap OpeÂra Queen na si Judy Ann Santos sa top-rating at fast-paced na kuwento ng primetime drama series ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala.
Dahil mula sa pagiging battered wife ni Eros (Sam Milby), nagawa ni Anessa (Judy Ann Santos) na bumangon at pahusayin ang sarili upang ipagtanggol ang sarili mula sa mga umapi sa kanya at ipaglaban ang karapatan niya bilang ina sa anak na inagaw mula sa kanya nina Eros at Alexis (KC Concepcion).
Handa na bang isugal ni Anessa ang lahat upang tuluyang mabawi si Emman (Miguel Vergara) mula sa kamay ng mga Diomedes? Paano gagawing ‘mas espesyal’ ni Anessa ang kasal ni Eros at Alexis?
Samantala, patuloy na nagre-reyna si Juday at no. 1 sa time slot nito ang Huwag Ka Lang Mawawala. Patunay dito ang palagiang pagwawagi ng de-kalibreng serye ni Juday sa ratings game sa mula nang umere ito noong Hunyo 17. At noong Hulyo 5 (Biyernes), nakamit ng programa ang all-time high national TV rating nito na 31.4%, o mas mataas ng siyam na puntos sa unang kalaban nitong serye na Mundo Mo’y Akin na may 22%, base sa datos mula sa Kantar Media na sakop ang mga kabahayan sa parehong urban at rural areas sa buong bansa.
Samantala, malapit na ang ending ng serye at may suspetsa ang iba ang madaling pagtatapos ng kanyang serye ang dahilan kung siya naiisip na lumipat ng network dahil nakakaramdam daw ito ng tampo.