^

PSN Showbiz

Heart nagsalita na sa lihim na kasal nila ni Sen. Chiz!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Napabalitang lihim na nagpakasal ang magkasintahang sina Heart Evangelista at Sen. Francis “Chiz” Escudero. Ginanap ang seremonya sa isang sikat na restaurant sa Tagaytay.

“Pumunta lang ako doon, and it was a nice day, relaxing. I’ll announce (kung magpapakasal kami), but it’s not anytime soon,” paglilinaw ni Heart.

Pero sa ngayon ay ayaw pa raw lumagay sa tahimik ni Heart.

“Ayaw ko pa. I mean it’s there, the idea is nice and wonderful, but I still need a lot of time to do the things that I want to do. You cannot turn back time. I have yet to discover things and go on adventures pa now that I am independent,” giit ng dalaga.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang paglabas ng mga magulang ni Heart sa publiko kamakailan at aminadong hin­di nila tanggap ang senador para sa ka­nilang anak. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Heart at ng kanyang mga magulang pero ngayon ay nagkasundo na ang aktres at ama nitong si Reynaldo Ongpauco.

“Yes, my dad and I are okay. As much as I want to share what happened or what it is now, I want to do a total opposite of what happened months ago, and not so much talk about it,” nakangiting pahayag ni Heart.

Sunshine hindi inuuwian ng mga anak nila ni Cesar

Noong Linggo ay isang kontro­bersiyal na mensahe ang nai-post ni Sunshine Cruz sa kanyang Instagram account. Isang mensahe na nais daw iparating ng aktres sa asawang si Cesar Montano. “Telling our children that they won’t be able to see you forever once they come back to me is PLAIN CRAZY. It’s been a week! Return them to me,” post ni Sunshine.

Ang tinutukoy ng aktres sa nasabing post ay isauli na sa kanya ng mister ang kanilang tatlong anak na babae. Agad namang na-delete ang nasabing post at nasundan pa raw ito ng isa pang mensahe: “Nanay ako. Salamat sa mga nakakaintindi kung saan ako nanggagaling. Magandang gabi.”

Matatandaang inamin ni Sunshine noong Enero na magkahiwalay na sila ng aktor. Na-link si Cesar sa aktres na si Krista Miller na siyang sinasabing dahilan diumano ng paghihiwalay ng mag-asawa. Noong Abril naman ay sinabi ni Sunshine nang mag-guest siya sa Gandang Gabi Vice na kahit magkahiwalay ay magkaibigan naman sila ni Cesar.

“We are friends. We are okay. We text especially when it’s about the children. Gano’n talaga eh, nangyayari ang ganoon, wala tayong magagawa. In all fairness to Buboy, kapag may taping ako, ‘yung mga bata sa kanya natutulog. Basta kapag may work ako, nasa kanya ang kids. I have no right na ilayo ang mga anak ko sa kanya kasi mapagmahal siyang ama,” pahayag noon ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

CESAR MONTANO

GANDANG GABI VICE

HEART EVANGELISTA

KRISTA MILLER

MATATANDAANG

NOONG ABRIL

NOONG LINGGO

REYNALDO ONGPAUCO

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with