Susan hangang-hanga sa abilidad ni Julia
Ikinatuwa ni Susan Roces ang naging pahayag ni Julia Montes kamakailan na ang Queen of Philippine Movies ang nagsisilbing insÂpirasyon ng dalaga kaya pinagbubutihan niya ang trabaho. Matatandaang nagkasama na ang dalawa sa teleseryeng Walang Hanggan at ngayon ay muling magkasama sa Muling Buksan ang Puso.
Masayang-masaya si Susan dahil nabigyan siya ng magandang proyekto at nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang artista ng bagong henerasyon.
“Siyempre kasi hindi nalalayo sa mga pangyayari sa buhay ni Julia ang buhay ko. Ako nagsimula rin no’ng bata pa ako. I was sixteen when I started and when I did Walang Hanggan, I met Julia at hangang-hanga ako sa kanya dahil napakabata pa niya pero nag-celebrate siya ng birthday niya sa kauna-unaÂhang bahay sa sariling sikap niyang ipinagawa. Naalala ko ’yung pagsisimula ko sa Sampaguita pictures as a teenager.
“Ngayon, ako naman ang gumagabay sa kanila. Sila naman ang ginu-groom natin for bigger roles, for greater days ahead of them and I feel very honored to be part of that,†nakangiting pahayag ni Susan.
Ilang dekada na ngayon sa industriya ang aktres kaya naman walang masama kung tulungan man niya sa trabaho sina Julia, Enrique Gil, at Enchong Dee.
“I have no discomfort in supporting young actors because that was where we started. Now we are supporting young actors that way other actors supported us when we were young,†paliwanag ng beteranang aktres.
Myrtle nag-aambisyon nang maging direktor
Madalas makitang magkasamang lumalabas ang magka-love team sa Toda Max na sina Paul Salas at Myrtle Sarrosa. Magkasundung-magkasundo sina Paul at Myrtle dahil pareho ng hilig ang dalawa.
“Close kasi kami ni Paul eh. ’Tapos siya ’yung tao na hindi maarte kasi mahilig talaga kami sa pagkain at kahit anong street food kinakain niya so, nakakatuwa siyang kasama,†kuwento ni Myrtle.
Masaya ang dalaga dahil nakasama siya sa nasabing programa na ngayon ay magdadalawang taon na.
“Napaka-thankful talaga kasi ang dami na ring awards ng Toda,†giit ni Myrtle.
Hindi pa man magkarelasyon ang dalawa ay may pag-asa naman si Paul kay Myrtle kung sakaling manliligaw ang binata. Samantala, gustong maging direktor ng aktres kaya naman pinagbubuti niya ang pag-aaral ngayon ng kolehiyo.
“Nasa UP (University of the Philippines) po ako ngayon, kumukuha ng broad-comm (broadcast communications). Second year po ako at nagpa-plan na rin ako. Gusto ko rin maging director,†pagtatapat ni Myrtle.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest