Ayaw lang aminin? Heart secretly married na kay Sen. Chiz Jericho engaged na!

Engaged na ang actor na si Jericho Rosales sa kanyang girlfriend na Filipina-British na si Kim Jones.

Kahapon ay nag-post siya ng photo ng girlfriend na suot ng girlfriend ang engagement ring: “She said Yes! #engaged #rings @kimjones.”

Isa sa mga host ng programang Etcetera sa ETC cable channel si Kim at madalas na kasama sa mga lakad ng aktor sa abroad lalo na nang magkaroon ng international screening ang pelikula nitong Alagwa na si Jericho rin ang director at mismong ang actor ang nagsasabi sa kanyang Instagram account na si Ms. Jones ang nagsisilbi niyang stylist.

“Ok here’s the real one. I love you Miss Jones. You are the love of my life. Thank you for saying YES (to forever) to me. Happy birthday. God is amazing! Yeeeehaaa! we are engaged!!! #jackpot #grandslam @kimjones,” dagdag ni Mr. Rosales sa kanyang Ins­tagram account.

“I love you ‪@jericho_rosales!!! Thank you for making me the happiest lady in the world!! Now I can say “I’m engaaaaagggeeeddddd!!!!!!!!,” ang reaction naman ni Ms. Jones sa kanyang Twitter account 30 minutes after sa mga post ni Mr. Rosales.

More than two years na ang relasyon nina Mr. Rosales and Ms. Jones.

Hihintayin ngayon kung sino sa kanila ni Heart Evangelista ang mas mauunang ikasal kahit sinasabing secretly married na sila ni Senator Chiz Escudero na idini-deny ni Heart.

Wala pang ipinakikitang engagement ring si Ms. Heart galing kay Sen. Chiz Escudero.

Maalalang parehong in love na in love noon sina Jericho at Heart sa isa’t isa at dumating sa puntong nilayasan ng actress ang mga magulang at pinili ang actor. Pero in the end ay umuwi si Heart sa kanila at nagkanya-kanya na sila.

 

 

Show comments