^

PSN Showbiz

Pasiklaban ng galing at talento sa Talentadong Pinoy Battle Royale!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mainit ang magiging pasiklaban ng pito sa pinakamagagaling na Talentadong Pinoy finalists para sa pinakaaasam na titulong Ultimate Talentado. Sa temang Battle Royale ay maglalaban sina Sor, Laserman, Rina Forbes, ang grupong Larvae, Spyro Marco, Haina Udin, at ang Nocturnal Dance Company.

Bata pa lamang ay kumakanta na si Sor Apao. Tubong Iligan, Davao, ang determinasyon niyang makamit ang kanyang mga pangarap ang nagtulak sa kanya na muling sumali sa season 4 ng Talentadong Pinoy.

Si JB Dela Cruz alias Laserman ay siyang breadwinner ng kanilang pamilya. Dating empleyado sa PLDT, iniwan niya ang kanyang trabaho upang gawin ang kanyang tunay na hilig: ang pagma-magic.

Para kay Rina Forbes, ang pagiging finalist sa Talentadong Pinoy ay isa sa kanyang pinakamalaking tagumpay. Bata pa lamang ay mahilig na siya sa musika. Ito ang nag-tulak sa kanya upang sumali sa mga choirs at hasain pa ang sarili niya sa pag-awit. Dahil dito, naging mahusay siyang mang-aawit at nagkaroon ng mga pagtatanghal sa abroad.

Hindi pinapansin ng contortionist group na Larvae ang mga nagsasabing sila ay bakla o sirena.  Nanatiling positibo ang grupo at sa halip ay nag-aral ng mga acrobatic tricks at contortionism. Dahil sa kanilang naiibang talento ay napaaral nila ang kanilang mga sarili sa natanggap nilang scholarship.

Kahit pinanganak sa Amerika ay Pinoy na Pinoy pa rin si Spyro Marco. Nag-simula ang kanyang hilig sa Chinese yo-yo noong bumisita siya sa Disneyworld. Mula sa pagiging mahiyain, nagbalik ang tiwala niya sa kanyang sarili dahil sa paglalaro ng Chinese yo-yo.

Bukod sa kanilang galing sa pag-sayaw, ang disiplina ng grupong Nocturnal ang nag-dala sa kanila sa Battle Royale rounds. Ilan sa kanila ay nangangalakal pa ng bote-dyaryo para lang magkaroon ng pera para sa kanilang mga practice – patunay lamang kung gaano sila ka-desididong manalo.

Ang teenager na si Haina Udin naman ang kauna-unahang kampeon ng Ta­lentadong Pinoy Middle East. Bata pa lamang ay nais na niyang maging isang sikat na mang-aawit. Dahil sa kanyang galing, nasungkit niya ang kampeonato sa World Championship of the Performing Arts. (WCOPA).

Sino ang magiging Ultimate Talentado? Malalaman niyo na sa August 18 sa Talentadong Pinoy Battle Royale LIVE at the Cuneta Astrodome, Pasay City.

 

vuukle comment

BATA

BATTLE ROYALE

CUNETA ASTRODOME

DAHIL

DELA CRUZ

HAINA UDIN

RINA FORBES

SPYRO MARCO

TALENTADONG PINOY

ULTIMATE TALENTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with