MANILA, Philippines - Kuwento ng pamilyang Pilipino ang ibibida ng ASAP 18 ngayong Linggo (Agosto 4) sa grand launch ng pinakaaabangang station ID ng ABS-CBN para sa ika-60 anibersaryo ng telebisyon sa Pilipinas. Pangungunahan ang pagluÂlunsad ng mag-inang Zsa Zsa Padilla at Zia Quizon na sila ring umawit ng theme song na pinamagatang Kwento Natin Ito.
Bukod sa station ID, ilulunsad rin sa ASAP 18 ang pinakabagong anniversary campaign na KwentoSerye, na magtatampok sa mga ordinaryong istoryang nagsisilbing inspirasyon para sa ABS-CBN.
Masasaksihan rin ngayong Linggo sa ASAP center stage ang sunud-sunod na kwento ng pag-asa, pag-ibig, at pangarap sa engrandeng back-to-back-to-back birthday celebrations nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Kapamilya heartthrob na si Xian Lim, at ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, na maglulunsad din ng kanyang pinakabagong album na Expressions.
Tiyak na kikiligin naman ang mga kababaihan sa special concert treat na ihahandog ng Kapamilya teen sensation na si Daniel Padilla.
Kwento ng masayang pagkakaibigan ang tampok sa ‘90s throwback production number ng RakeÂteros lead stars na sina Herbert Bautista, Dennis PaÂdilla, at Andrew E kasama ang director nilang si Randy Santiago; at sa must-watch surprise ng daÂting Ang TV kids na sina John Prats, Gio Alvarez, Marc Solis, Thou Reyes, Jan Marini Alano, at Lindsay Custodio.
Makisaya sa bonggang welcome party para sa pinakabagong Kapamilya star na JC de Vera kasama ang ilan sa pinakasikat na aktor ng bansa na sina Gerald Anderson, Enrique Gil, at Sam Milby.
Susundan ito ng grand launch ng pinakabagong album ni Sam Concepcion; at ng makapigil-hiniÂngang pasiklaban ng talento ng Kapamilya teen stars na sina Julia Barretto, Janella Salvador, Jane Oineza, Jerome Ponce, Nash Aguas, at Khalil Ramos; at ng Goin’ Bulilit kids na sina Bugoy Cariño, Brenna Garcia, Belle Mariano, Bea Basa, Joshen Bernardo, at Miguel de Guzman.
Samantala, huwag palampasin ang pinakamainit na showdown ng dance moves sa mind-blowing Supahdance showcase na inihanda nina Iza Calzado, Pokwang, Luis Manzano, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Julia Montes, Kathryn Bernardo, Empress, Arron Villaflor, Rayver Cruz, at KC Concepcion.
Pakinggan ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig sa makatindig-balahibong vocal act na ihahatid nina Martin Nievera, Vina Morales, Bamboo, Erik Santos, Jed Madela, at Toni Gonzaga; at sa masaÂyang kantahan ng ASAP Sessionistas at ng ASAP Covers members na sina Aiza Seguerra, Paolo Valenciano, at Yeng Constantino kasama ang OPM music icon na si Rico Blanco.