Bamboo ayaw pang mag-artista kahit kikita ng malaki

Sa Aug. 17 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum ang By Request concert nina Yeng Constantino at Bamboo. Kakaiba ang konsepto ng nasabing proyekto dahil ang kanilang mga kakantahin ay online request ng kanilang mga masugid na tagahanga.

“I think that’s the fun part. I always do major shows but what excites me about this whole project is ’yung buong set list is made by the fans, every single song. I refuse to do any song that I’ve done unless they request it and they put a twist to it. So, I expect to be doing covers. If I’m going to do originals, there has to be a bit of twist, may bago dapat.

“I encourage people to sort of be creative also. I think that’s the kind of landscape we sort of live in these days, na ang sarap ngayon. Napaka-reactive natin ngayon eh. We do something ’tapos ’yung reaction ng tao makukuha mo na kaagad which is amazing,” pahayag ni Bamboo.

Samantala, hindi raw sumasagi sa isip ng tinaguriang Philippine Prince of Rock na pasukin na rin ang pag-aartista.

“I’m doing so much already, so, I can’t imagine finding time to do anything else. And when I’m doing something I want to be one hundred percent in. Ayokong daanan lang ’yan eh. I’m not that kind of guy. I’m not that kind of artist. I don’t want a paycheck. I want something that’s going to fulfill me. ’Yun ang importante sa akin,” giit pa ng singer.

Ella nagbabalak mag-engineer, kakandidato rin sa SK

Kamakailan ay inamin ni Francis Magundayao sa kanyang pahayag na pinopormahan na niya si Ella Cruz. Ayon naman sa teen star ay hindi pa siya handang makipagrelasyon sa ngayon. “’Yung formal relationship hindi pa po eh pero siguro ’yung porma-porma, pa-cute, sige, okay lang po. Ayoko po munang pumasok do’n. Masyado pa po akong maraming ginagawa. Ayoko po munang magkaroon ng istorbo o dagdag problema sa buhay ko.

“Siguro inspiration ko na lang muna ’yung family ko po, saka mga kaibigan ko po,” nakangiting pahayag ni Ella.

Matagal-tagal ding hindi nagkaroon ng proyekto ang dalaga pagkatapos ng teleseryeng Aryana. Ngayon ay magkatambal sina Ella at Francis sa Wansapanataym.

“Kasi po masyado naging matagal din po ang Aryana, nine months po. Gusto po muna nila na medyo ipahinga po ako. Sa next teleserye meron naman talaga po pero ’di ko pa po sure, saka medyo confidential pa po,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, pinagsusumikapan ni Ella na tapusin ang high school para makapag-kolehiyo na siya sa susunod na taon. Kahapon ay nag-entrance exam na ang aktres sa University of the Philippines bilang isa sa mga eskuwelahang gustong pasukan ni Ella.

“Gusto ko po sanang mag-industrial engineering pero po kasi masyado pong mahirap baka hindi ko po masabayan ng pag-a-artista. So, ang second choice ko po is comm-arts and linguistics,” sabi ni Ella.

Gusto ring maglingkod ng aktres sa kanilang bayan sa Angat, Bulacan kaya naman kakandidato si Ella bilang Sangguniang Kabataan chairman para sa barangay elections na gaganapin sa Oct. 28.  Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments