Mga kakaibang pagkain sa Gandang Ricky Reyes

MANILA, Philippines - Maraming Pinoy ang mahihilig sa mga pagkaing kakaiba, eksotika at a­phro­disiac.  Ngayong Sabado alas-nuwebe ng umaga sa GMA News TV ay itatampok sa Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) ang mga pagkaing tulad nito.

Sampolan natin  ang kakaibang pagkaing tulad ng pritong palaka, balot sisig, dila ng baka, atbp.

Pampagana nga ba ang mga ito sa mga kalalakihang tila nanlalamig na sa pakikipagtalik?

Darayo naman ang GRR TNT mascot na si Chikadora sa mga malls kung saan mayroong playground ang mga bata.  Doon sila naglilibang habang si Mommy ay namimili sa department store at grocery.

May irerekomenda si Mader na isang “walang aray” na proseso ng pagpapaganda. Tutok lang sa demo sa ere ng nasabing non-invasive technical beauty treatment. Pagkatapos subukan, maraming kliyente ang nagsabing tila nila natagpuan ang  fountain of youth dahil bumata sila ng ten years.

Bongga!

 

Show comments