Naideklara noon ni Toni Gonzaga na gusto na niyang magpakasal kapag nag-30 years old na siya. Ilang buwan na lamang ay tutuntong na ang aktres sa nasabing edad kaya malakas ang bulung-bulungan na magpapakasal na sila ng kasintahang si Paul Soriano. Anim na taon na ngayong magkasintahan ang dalawa.
Mas naging usap-usapan pa ang paglagay sa tahimik ng dalawa nang mag-enroll si Toni sa isang culinary class kamakailan. Ang director-boyfriend pa raw mismo ang nagkumbinsi sa aktres para mas magaling pa itong magluto.
“I think it’s good plus when your wife knows how to cook. I’m happy that she’s learning now how to cook, good for me and for our future,†nakangiting pahayag ni Direk Paul.
Hindi kaya natatakot ang binata na magkahiwalay pa sila ni Toni lalo na sa paniniwala ng iba sa seven-year itch?
“I read about that but I think definitely tuluy-tuloy. We’ve been together for six years, but six years of understanding showbiz. I think we’ve lasted. So, the foundation is really strong,†giit ni Direk Paul.
May mga nagsasabi ring nalalapit na ang pagpo-propose ng kasal kay Toni ng binata kaya dapat natin itong pakaabangan.
Bugoy naglalaro lang sa taping
Magli-limang taon nang nag-aartista si Bugoy Cariño. Masayang-masaya ang batang aktor dahil may mga naipundar na siyang mahahalagang bagay.
“Nakabili na po ako ng sasakyan. ’Yun talaga, pangarap ko po talagang magka-kotse kasi bumibiyahe lang kami, pero ngayon may sarili na po akong van. Ngayon po nagpapagawa na rin po ako ng bahay. ’Di pa po tapos. Malapit na,†pagtatapat ni Bugoy.
Kamakailan ay nanalo ng best supporting actor award para sa pelikulang Alagwa si Bugoy sa isang international film festival na ginanap sa Malaysia.
“Siyempre po sobrang saya. Hindi ko po ini-expect na mananalo ako lalo na po sa Malaysia kasi po matatanda po ’yung mga kalaban ko do’n eh. ’Di ko ini-expect na mananalo ako. So, nung malaman ko po sobrang saya ko,†nakangiting kuwento ni Bugoy.
Malaki raw ang pasasalamat niya sa ABS-CBN sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanya.
“Sobrang saya po kasi nakasama po ako sa pinakamagaling na mga bata ngayon. Sobrang galing po ng ABS-CBN na mag-alaga sa bata eh. Talagang pasisikatin po talaga nila, hanggang paglaki mo. Gano’n,†giit niya.
May ilang mga bagay na hindi na nagagawa si Bugoy mula nang maging artista siya.
“’Di ko naman po nami-miss ’yung childhood ko kasi po sa taping gano’n naman po parang nagÂlalaro rin po kami. ’Yung mga artist na ka-bonding n’yo rin naman po. Pero nami-miss ko rin po ’yung mga paglalaro sa bahay ’tapos lumalabas sa kalye at nakikipaglaro sa mga kapitbahay,†pagtatapos ni Bugoy. Reports from JAMES C. CANTOS