‘Ayokong maging alipin ng social media’: Pekeng Lolit Solis kakasuhan na, Ogie ayaw tantanan sa paninira!

May nagsumbong sa akin na mga litrato ko at ng mga co-host ko na kuha sa Startalk studio ang inilalagay ng impersonator ko sa kanyang Twitter account na LolitSolis56 kaya iisipin mo na talagang ako ang may-ari ng Twitter account.

Itatanong ko ngayon sa Startalk staff kung meron sa kanila ang gumagamit sa pangalan at litrato ko sa Twitter. May nag-suggest sa akin na mag-open ako ng Twitter account para hindi na ako magkaroon ng poser pero tumanggi ako dahil wala akong alam sa Twitter. Ayokong gawin na kumplikado ang buhay ko. Ayokong maging alipin ako ng social media.

Imbiyerna na ako sa poser ko na gumagamit ng LolitSolis56 dahil sinisiraan niya si Ogie Alcasid at ang concert nito sa kanyang mga tweet. Love na love ko pa naman si Ogie kaya never na sisiraan ko siya. Nakakahiya talaga ang pagkakalat ng ginagawa ng poser ko. Kung gusto niya na manira ng kapwa at ng mga artista, gamitin niya ang kanyang tunay na pangalan, huwag ako!

Nakisuyo na nga ako sa isang kakilala na hingin ang tulong nina Ogie at Regine Velasquez para i-tweet nila na pekeng Lolit Solis ang may-ari ng @LolitSolis56. Wish ko lang, ni-retweet nila ang aking appeal para mahinto na ang paghahasik ng lagim ni @LolitSolis56.

At kapag hindi pa rin siya huminto, makikipag-usap na ako sa aking lawyer na si Atty. Noel Malaya para kasuhan siya ng identity theft!

Mayor Herbert inaasahan sa West Kamias

Kung nagawa ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na paalisin ang informal settlers sa tabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa BIR Road sa QC, magagawa rin niya na mailipat sa relocation site ang informal settlers sa West Kamias.

Marami na akong naririnig na kuwento tungkol sa informal settlers sa West Kamias na madalas na may pasugalan sa tabi ng kalsada tuwing may nakaburol na patay. Tumatagal daw ng ilang linggo ang burol sa kalsada kaya extended din ang pagsusugal sa nasabing lugar.

Si Mayor Herbert na lang ang pag-asa ng mga napeperwisyo ng mga informal settler sa West Kamias na imbes na mabawasan ay lalong dumarami.

Katulad kahapon, nakabantay ang lahat ng mga reporter at OB Van ng lahat ng mga TV network sa West Kamias pero dedma ang informal settlers. Tuloy ang pagsusugal nila sa harap ng patay na nakaburol sa tabing kalsada. Only in the Philippines!

Eugene may karapatang magpakita ng boob

Ang sabi ng mga nakapanood sa Instant Mommy, hindi raw malaswa ang pagpapakita ni Eugene Domingo ng kanyang right boob.

Kailangan daw sa kuwento ng pelikula ang eksena pero shocked pa rin ang mga nanood ng Instant Mommy dahil hindi nila akalain na magagawa ni Eugene na ipa-sight ang kanyang boobelya.

Pero in fairness sa aktres, maganda raw ang dibdib ni Eugene kaya may karapatan siya na i-share ’yon sa kanyang fans.

 Si Mitch Valdes ang naalaala ko sa ginawa ni Eugene dahil nag-topless naman si Mitch sa isang eksena niya sa classic movie na Oro Plata Mata. Hindi nalaswaan ang moviegoers sa ginawa ni Mitch dahil kailangan din sa eksena at hindi trying hard ang pagbubuyangyang niya ng dibdib.

Tunay na dahilan ng hiwalayang Raymart at Claudine ibubunyag na

Reminder, Sabado uli ngayon. Huwag ninyong kaligtaan na panoorin ang Startalk dahil, as usual, ang hottest showbiz news ang ihahatid namin sa inyo.

Siyempre ibabahagi namin sa lahat ang mga research ng Startalk staff tungkol sa mga dahilan ng paghihiwalay nina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Uhaw na uhaw ang mga mahihilig sa tsismis. Gusto nilang malaman ang kumpleto at tunay na dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa na hindi nalampasan ang seven-year itch.

Show comments