MANILA, Philippines - Sa ngalan ng patuloy at walang sawang paghahatid ng Serbisyong Totoo, hatid ng GMA News and Public Affairs ang pinakabagong version ng Panata sa Bayan music video na mapapanood simula ngayong Biyernes.
May temang Katotohanan ang Magpapasulong sa Bayan, ang bagong music video na ito ay hindi lang magsisilbing isang inspirasyon sa mga manonood na makiisa sa panata ng GMA News kundi isa rin itong pagpapa-alala sa mga Pilipino ng kanilang responsibilidad para sa ikauunlad ng bayan.
Ayon kay GMA Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa Flores : “This year’s PaÂnaÂta music video shows how GMA News and Public Affairs empowers viewers through Serbisyong Totoo. By fulfilling our panata, we encourage people to become better individuals at home, at work, wheÂrever they may be, so that ultimately, they become better citizens who are more involved in helping the nation move forward. In effect, we become one in delivering Serbisyong Totoo.â€
Tampok sa nasabing music video ang mga mulÂti-awarded anchor at reporter ng GMA News sa pangunguna ng mga GMA News pillar na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Arnold Clavio, Vicky Morales, Howie Severino, at Jessica Soho.
Mula sa direksyon ng internationally-recogaÂnized director na si Mark Meily, “pure visual poeÂtry†ang music video na ito. Makikita rito ang pagtupad ng mga GMA News anchor at reporter sa kanilang tungkulin na paghahatid ng SerbisÂyong Totoo araw-araw, kasabay ng saliw ng musika mula sa Philippine Madrigal Singers. Ang launch ng Panata ay kasabay rin ng 50th anniversary ng world renowned singing group.
Kasama ni Direk Mark sa proyektong ito si Tim Jimenez, na nagsilbing director of photography.
Mapapanood ang ika-apat na Panata sa Bayan ng GMA News and Public Affairs simula ngayong Biyernes, August 2, sa primetime newscast ng GMA na 24 Oras.